^

PSN Opinyon

Semana Santa

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

MULI tayong pumapasok sa pinaka-banal na linggo ng lahat ng mga Kristiyano, ang Semana Santa o Holy Week na sa karaniwang pahayag ay Mahal na Araw na nagsisimula ngayong Linggo ng palaspas. Sa mga Hudyo ang mga palaspas ay simbolo ng maligayang pagtanggap sa isang propeta na sumasampalataya sa Kanyang banal na aral. Ito’y pagdiriwang sa matagumpay na pagpasok ni Hesus­kristo sa Jerusalem ang sentro ng buong Israel. Nagpuri at nagsaya ang lahat ng mga tagasunod ni Hesukristo at mananampalataya sa Kanyang banal na aral. Sa kabila ng kasayahan ay pinaghandaan naman ng mga kaaway kung paano Siya parurusahan.

 Ang mga araw ng pagpapakasakit, pagsisisi at pagbabalikloob kay Hesukristo ay mayroong tinatawag na Triduum (tatlong araw ng banal na paghahanda para sa linggo    ng muling pagkabuhay): Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria.

 Sa pagpapakasakit ni Hesukristo ay katuparan ang sinabi ni propeta Isaias: “Ang mga pagdustang ginawa nila’y di ko pinansin, ang Panginoon ang tumutulong sa akin, handa akong magtiis”. Salmo: D’yos ko, D’yos ko! Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan. Filipos: “Hindi Niya pinilit na manatiling kapantay ng Diyos, hinubad ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, namuhay ng isang alipin. Naging masunurin hanggang kamatayan, hanggang kamatayan sa Krus”.

Ngayong Mahal na Araw ay katumbas ng bakasyon   sa mga opisina at mga gawaing pangkalakalan. Mag-uuwian na naman sa mga probinsiya at magpupuntahan sa mga bahay bakasyunan. Sana naman bilang mga Kristiyano ay samahan din natin ng mga pagbabalikloob sa Pa-nginoon. Pagnilayan natin na mismong si Hesukristo, anak ng Diyos ang nagpakasakit para sa atin hanggang            sa kamatayan sa Krus. Matapos ang bakasyong ito ay mag-uwian tayo sa ating mga tahanan na puno ng ka­payapaan.

Itong Mahal na Araw ay pinaghandaan natin simula pa noong nakaraan Miyerkules ng Abo, sinundan ng limang linggo ng paghahanda ng ating sarili para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoon. Ito ang kabuuan ng kuwaresma ang 40 araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay.

Sa ating pagpapabasbas ng mga palaspas ay manalangin tayo: O Diyos na makapangyarihan at    aming Ama sa langit, Iyo pong pagpalain at pabanalin ang mga palaspas na ito upang masaya naming ipagbunyi ang Iyong Anak na si Hesukristo, na Mesiyas at aming Hari ng sangkalupaan. Patawarin mo kami sa aming mga nagawang kasalanan, Amen.

Ngayon ay Alay Kapwa Sunday at World Youth Day

Is 50:4-7; Salmo 22; Fil2:6-11 at Lk 19:28-40

ALAY KAPWA SUNDAY

ARAW

BIYERNES SANTO

DIYOS

HESUKRISTO

HINDI NIYA

HOLY WEEK

HUWEBES SANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with