Mahal ni Erap ang Mindanao

KAMI ng aking panganay na anak na si Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) re-electionist senator Jinggoy Ejercito Estrada ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat sa pa­hayag nang maraming sektor na si Erap ang tanging naging president ng Pilipinas na nagpakita ng tunay na pag­mamahal at pag-aasikaso sa Mindanao.

Noong kanyang panunungkulan, isinulong ni Erap ang pagpapaunlad ng Mindanao bilang food basket ng buong bansa sa pamamagitan ng pagbuhos ng pondo sa sektor ng agrikultura roon. Binigyan din niya ng todong suporta ang sektor ng pagnenegosyo sa rehiyon laluna ang mga small and medium-scale industry.

Matatag din niyang ipinatupad ang epektibong peace and order formula roon, kasabay ng paglansag sa mga armadong grupo na humahadlang sa pag-unlad ng Mindanao laluna yung mga nangha-harass, nangingikil, nanggagahasa, nangingidnap at pumapatay ng mga inosenteng sibiliyan.

Naglaan din si Erap noon ng napakalaking pondo para sa mga proyektong imprastraktura at mga programang pangkabuhayan. Ipinatupad niya ang itinuturing na pinaka-komprehensibong four-year Mindanao infrastructure development program kung saan ay naglaan siya ng P65.04 bilyon pondo.

Kabilang sa naturang programa ang pagkumpuni sa Narciso Ramos highway sa Lanao del Sur at Maguindanao gayundin sa Parang-Mercedes-Lipao-Abubakar road; konstruksyon ng Matanog municipal hall sa Maguindanao; paggawa ng Libungan-Banisilan road, Kabacan bridge at maraming mga kalsada sa Cotabato; konstruksyon ng Lanao del Sur public market; at ang pagtatayo ng 10 school buildings sa Lanao del Sur at Cotabato.

Nakapaloob din sa nasabing programa ang konstruksyon ng mga pangunahing kalsada at farm-to-market roads sa Western, Northern and Southeastern Mindanao pati rin sa Central Mindanao at CARA-GA region.

Ang pagmamahal at pag-aasikaso ni Erap sa Mindanao ay sinuklian naman ng mga residente roon ng tapat ding pagmamahal at patuloy na pagsuporta sa kanya. Dahil dito, ayon kay PMP vice president for Mindanao Cagayan De Oro Congressman Rufus Rodriguez, mula noon hanggang ngayon ay itinuturing ang Mindanao bilang “Erap country”.

Show comments