Tertiary hospitals target ni Bro. Eddie
NAKALULUNOS talaga ang kalagayan ng ating mga kababayang maralita lalu na sa mga probinsya. Kapos tayo sa serbisyong pangkalusugan! Masuwerte yung mga may pera dahil puwede sila sa mga pampublikong pagamutan. Paano na yung mga wala?
Sabi nga ni Bangon Pilipinas presidential bet Eddie Villanueva “The public health sector is already in comatose and would need a new dose of life.” Comatose – ibig sabihin naghihingalo at wala nang malay! Ilang administrasyon na ang nagdaan, wala pa ring pagbabago. May effective formula kaya si Villanueva na maipatutupad kapag naging Pangulo? Ang sabi niya, ang administrasyon niya ay may nakalatag nang plan of action para makapagtatag ng mga tertiary hospitals sa bawat lalawigan.
Ani Bro. Eddie, “the public health sector is already in the ICU (intensive care unit) and must be given a shot for it to come alive. My personal vision is to establish a tertiary public hospital in every province in the country to bring the best health care to those who need it the most.”?Kung kayang gawin ito ng “Villanueva administration”, malaking hakbang iyan tungo sa pag-unlad ng ating bansa na sa mahabang panahon ay paurong ang naging takbo dahil sa talamak na korapsyon.
* * *
Binatikos ng Cainta homeowners ang Manila Water Corp. (MWCI) dahil sa kapabayaan nito sa pagtakip ng mga butas ng kanilang kalsada matapos hukayin para lagyan ng tubo para ang village ay makabitan ng potable waters. Okay sana pero mahigit na dalawang taon ang lumipas, nariyan pa rin ang hukay! Ang paghuhukay ay ginawa noong buwan ng Setyembre 2007 pero natapos ang proyekto at hindi pa natatakpan umano ang mga hukay.
Nanawagan si Daniel Rafael Prats, president ng Village East Homeowners Association, Inc. (Vehai), ang MWCI na pag-aaari ng Ayala Group of Companies na sana’y aksyunan na ang problema sa lalung madaling panahon.
- Latest
- Trending