Adopted MISTAH, huwag na lang

MAY mga pulitikong humihimok sa mga retired at maging sa mga student ng Philippine Military Academy na huwag ng pagbigyan o gawin adopted ‘MISTAH’ ang mga pulitiko gusto nilang maging adopted classmate sa PMA Class nila para maiwasan ang palakasan system oras na maka-puesto ang mga ito sa Malacañang o gobierno ng Republic of the Philippines my Philippines.

 Sabi nga, alisin na ang palakasan system.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinag­tutulakan daw ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, ang erpat nitong si Senator Pong na hawakan ang PMA Alumni Association for prez para pagsabihan ang kanyang mga dating school mate, tired este mali retired generals at mga incoming PMA official na huwag ng mag-adopt ng isang pulitiko para maging ‘MISTAH’ ng kanilang klase.

Ito ay reaksyon ni Ruffy dahil sa pagkakatalaga ni General Delfin Bangit bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, General Mapagu, Chief ng Philippine Army, General Ravena, Chief ng Philippine Air Force at General Boysie Rosales, hepe ng PNP NCRPO na pawang mga ka-MISTAH ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na adopted ng PMA Class 78.

Gusto ni Ruffy na sa pagbaba ni Gloria sa kanyang trono sa palasyo bilang panggulo este pangulo pala at Commander in Chief ng Armed Forces of the Philippines ay isama rin nito si Bangit sa pagkaway ng goodbye sa madlang people ng Philippines my Philippines.

Ang pangulo ay puedeng magtalaga ng mga kasangga niya sa anuman puesto sa gobierno na walang puedeng humarang.

Sabi nga, pressure este pleasure pala ito ng Presidente.

Sangdamukal ang naglabasan kritiko ni Bangit ng piliin at i-appoint ito ni Gloria kapalit si retired CSAFP General Victor Ibrado the other week kahit maraming sektor sa lipunan ang humihiling kay GMA na palawigin muna ang termino ni Victor para masiguro na dehins makikialam o magkakaroon ng dayaan sa eleksyon with the involvement of the military.

Ika nga, patas system!

Ito ang mga listahan ng mga PMA honorary members na tumatakbo sa pulitika ngayon May 2010.

Presidential candidates - Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr., Lakas - Kampi-CMD party adopted ng PMA class 76 (official honorary member) at Manny Villar, Nacionalista party adopted ng PMA Class 77. (official honorary member)

Vice-Presidential candidates - Loren Legarda, Nacionalista party, adopted ng PMA Class 69 (unofficial honorary member), Manuel Roxas 111, Liberal party, adopted ng PMA Class 64 (official honorary member)

Senatorial candidates - Miriam Santiago, People’s Reform party, adopted ng PMA Class 69, Juan Ponce Enrile(official honorary member), Pwersa ng Masang Pilipino party, adopted ng PMA Class 53, Jinggoy Estrada, Pwersa ng Masang Pilipino party, adopted ng PMA Class 72 (unofficial honorary member), Jun Lozada, Pwersa ng Masang Pilipino party, adopted ng PMA Class 75 (official honorary member), Bongbong Marcos, Nacionalista party, adopted ng PMA Class 79 (official honorary member) at Bong Revilla, Lakas - KAMPI - CMD, adopted ng PMA Class 85 (unofficial honorary member).

Local candidates - Gloria Macapagal Arroyo, Congress, Pam­panga 2nd district, adopted ng PMA class 78, JV Estrada, Congress, San Juan, adopted ng PMA Class 88, Benjamin Dy, Mayor Cauyan, adopted ng PMA class 75, Joey LIna, running for Governor Laguna, adopted ng PMA Class 74 (unofficial ho­norary member), Joey Marquez, running Mayor for Parañaque, adopted ng PMA class 74(unofficial honorary member) at Obet Pangandanan, running for 1st district Congress Bulacan adopted ng PMA class 71(unofficial honorary member)

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya may unofficial honorary member ay dahil hindi daw ito inaprobahan pa ng Board of Directors.

Ngayon alam na siguro ng madlang people sa Philippines my Philippines kung sino ang mga adopted ‘MISTAH’ ng bawat klase sa PMA.

Ano kaya ang masasabi ng mga susunod na PMA students kailangan pa bang mag-adopt sila ng MISTAH na pulitiko para sa klase nila upang magkaroon sila ng lakas pagdating sa promotion.Sabi nga, tulad ng PMA class 78?

Abangan.

2nd Jerry Codinera’s basketball camp

SA mga nais gumaling sa paglalaro ng basketball magbubukas ang ikalawang basketball camp ni Jerry Codinera sa Palms Country Club, dyan sa Alabang Muntinlupa City.

Ang 1st batch sked ay April 5,7,9,12.14,16,19 and 21 samanatala ang 2nd batch ay sa April 26,28,30, May 3,5,7,19 at 12.

Ang basketball fee ay P8,200 para sa mga member at may 8 playing basketball sessions samantala P9,000 para sa guest player at may 8 playing basketball sessions.

Sabi ni Jerry libre ang basketball at basketball jerseys sa lahat ng mag-eenroll.

Puedeng tumawag sa 771-7171, 771-4863 or sa 0927-3061167.

Ano pa ang hinihintay ninyo tawag na para magpa-reserve sa basketball camp,

Show comments