^

PSN Opinyon

Razon inirereto nina Lim at Atienza?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

Sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga pulis at sibilyan itong si Manila mayoral candidate Kuya Sonny Razon sa isinagawang peace covenant ng mga kandidato sa headquarters ng Manila Police District noong Miyerkules. Nagulat ang lahat ng nandoon sa mainit na reception. Nagpalakpakan ang mga naroroon nang si Kuya Sonny ay tinawag para pumirma sa peace covenant na pinangasiwaan nina NCRPO Chief Dir. Boysie Rosales at MPD Director Chief Supt. Rodolfo Magtibay. Nakasaad kasi sa kasunduan na hindi mag-resort sa kung anu-anong kaguluhan at paglabag sa batas ang mga kandidato maging ang kampo nila. Nandoon din sina re-electionist Mayor Alfredo Lim at dating Mayor Lito Atienza. Para hindi magkahiyaan, minabuti ni Magtibay na magkalayo ang upuan nina Lim at Atienza na alam naman natin mga suki na me malalim na hidwaan bunga sa pulitika. Ang napuna lang natin mga suki, eh hindi naman pumalakpak ang mga pulis at miron nang itong sina Mayor Lim at dating Mayor Atienza ang pumirma sa peace covenant nga. Itong masigabong palakpakan ke Kuya Sonny kaya ang hudyat o palatandaan ng malakas na suporta sa kanya ng mga Manilenyo? He,he,he! Ano sa tingin n’yo mga suki? Di tulad ni Atienza na matapos ang pirmahan ay nagmadali na itong lumabas ng multi-porpose hall ng MPD headquarters at papaalis na ito at nagkaroon pa ng Tug of war games ang mga photographer matapos na magbigay ito ng atik. He,he,he! At habang papalayo itong si Atienza sa bakuran ng MPD ay nagpakalat naman ang mga alipores nito ng liham ng pagkundina sa pambabraso ng mga tauhan ni Lim. Ano ba yan mga suki?

Kung sabagay, ang mga negosyante ay dinumog din si Kuya Sonny nang magsagawa ito ng P10,000 per plate na fund raising sa Century Park Sheraton kamakailan. Halos napuno ang Pavillon ng naturang hotel ng mga nakangiting Intsik at mga negosyante na sumuporta ke Kuya Sonny. Kahit ano ang gagawin ni Kuya Sonny, maging sa pag-iikot sa mga palengke, pilahan ng tricycle at mga barangay, dinudumog siya, ayon sa mga nakausap ko sa MPD. Kaya sa palagay ko me malaking tsansa itong si Kuya Sonny na maging mayor ng Manila sa darating na May elections, di ba mga suki?

Nagkuwento naman sa akin ang isang pulis na itong si Atienza pala ay nagkaroon ng miting sa mga residente sa Sta. Mesa kasama ang ka-tandem na si Bonjay Isip noong nakaraang linggo. Nagkaroon ng raffle ang mga residente na natuwa dahil marami silang premyo, kasama na diyan ang cash, na iniuwi. Subalit bago umalis itong si Atienza, ipinaalala niya sa mga residente na kung ayaw nilang iboto siya aba dapat ang bilugan nila na pangalan sa balota ay yaong ke Kuya Sonny at hindi ang kay Lim. Itong si Lim naman, sa kanyang mga miting ay nagsasabi rin na kung ayaw sa kanya ng mga botante, si Kuya Sonny na lang ang iboto at hindi si “bulaklak” na ang tinutukoy ay si Atienza. Ano ba ‘yan? Kung sabagay, sawa na ang Manilenyo dito sa patuloy na bangayan nina Atienza at Lim at gusto nila ang pagbabago na inialok ni Kuya Sonny. Pero kahit ang lahat na palatandaan ay nagtuturo sa kalamangan ni Kuya Sonny, hindi dapat maging kampante ang kampo niya. Dapat kayod pa ng kayod hanggang sa darating na May election para hindi makaporma ang mga supporters ng mga kalaban niya. Dapat lang, di ba mga suki? Abangan!

ANO

ATIENZA

BONJAY ISIP

BOYSIE ROSALES

CENTURY PARK SHERATON

ITONG

KUYA

KUYA SONNY

SONNY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with