^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ikaapat sa pagiging corrupt ang Pilipinas

-

IKAAPAT ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia-Pacific na talamak ang corruption. Ito ay base sa business survey na ang nagsagawa ay ang Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC). Labing-anim na bansa sa Asia-Pacific ang ni-rate ng PERC ukol sa lagay ng corruption at nanguna ang Indonesia sa pinaka-corrupt. Sobrang talamak ang corruption sa Indonesia at nahihirapan ang presidente roon na masugpo ang mga magnanakaw sa pamahalaan. Napi-pressure na ang presidente sa Indonesia sapagkat mismong ang dalawang miyembro ng Cabinet ay may kasong kinakaharap.

Kasunod ng Indonesia sa pagiging corrupt ay ang Cambodia (2nd); Vietnam (3rd); Thailand (5th); India (6th); China (7th); Malaysia (8th); Taiwan (9th); South Korea (10th) Macau (11th); Japan (12th); United States (13th); Hong Kong (14th); Australia (15th); at ang pinaka-least corrupt --- Singapore.

Ikaapat ang Pilipinas sa mga bansang grabe ang corruption at hindi na marahil mababago ang ganito kasamang pagtingin hangga’t hindi nagkakaroon ng presidenteng may “kamay na bakal” laban sa mga corrupt. Kung ang presidenteng mahahalal sa May 10 elections ay katulad din ng mga nakaraang presidente na mabait sa mga kurakot, wala nang pag-asa ang bansa na makaahon sa kumunoy ng kahirapan. Ang kahirapan ng buhay ang bunga ng corruption.

Marami sa mga presidentiables ang nangangako na wawakasan nila ang corruption sa bansa. Pangako nila na wala nang maghihirap. Kapag nalipol daw nila ang mga kurakot, kasunod na nito ay ang pag-angat ng buhay ng mga mahihirap.

Ang pagwasak sa mga corrupt ay matagal nang inaasam ng mamamayan. Noon pang tumakas si President Marcos noong 1986 ay marami nang umasa na mababago ang bansa at ganap nang makakatakas sa mga kawatan at matatakaw. Pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat lalo pang dumami ang mga nagpapahirap sa bansa. Mas kumapal ang mga nagpasasa sa yaman. Bawat palit ng administrasyon ay bagong magnanakaw din ang nakapuwesto.

Maganda kung matutupad ang pangako ng mga presidentiables laban sa mga corrupt. Pero kung pa-ngako rin lang ito gaya ng mga nakalipas, wala nang pag-asa ang Pilipinas.

ASIA-PACIFIC

BAWAT

HONG KONG

PERO

PILIPINAS

POLITICAL AND ECONOMIC RISK CONSULTANCY

PRESIDENT MARCOS

SOUTH KOREA

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with