^

PSN Opinyon

Si Archbishop Cruz at Wilfredo Mayor

- Al G. Pedroche -

KARUMALDUMAL ang pagkakapatay sa jueteng whistle-blower na si Wilfredo Mayor at hinahangad ng marami na ito’y maresolba agad sa paraang patas, makatarungan at walang “fall-guys” na sasabit. Wika nga, parusahan ang dapat parusahan. Agad lumantad sa media si retired archbishop Oscar Cruz upang sabihin na bago mamatay si Wilfredo Mayor, mayroon itong ibinunyag sa kanya. Ang tingin ng Arsobispo kay Mayor ay “ repor­madong jueteng lord” na ngayo’y kasangga niya sa kru­sada laban sa sugal.

Sabi daw ni Mayor kay Archbishop Cruz, may mga isisiwalat ito’ng anomalya sa public works project sa Bicolandia. Kasunod nito’y umupak ang arsobispo sa mga big-time na kontratista sa Bicol na aniya’y nakokopo ang mga proyekto sa rehiyon at napagkakaitan ang mga maliliit na kontratistang tulad ni Mayor. Natural, matutuon ang hinala sa mga big-time contractors. Pero bago tayo humusga, ikonsidera natin ang ilang bagay. Napag-ala­man natin na ang kompanya ni Mayor na 3M Construction ay walang akreditasyon para makipag-deal sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Tatlong kompanya lamang ang may tinatawag na “triple a” licenses na akreditadong pumasok sa kontrata sa DPWH.

 Kasama umano si yumaong Mayor sa grupo’ng nag-lobby para mabuo ang “Task Force Bichara,” isang engineering district na in charge sa mga big-time projects sa ikalawang distrito ng Albay. Inireport sa isang regional newspapers na inamin ni Mayor na nag-recruit ng isang DPWH engineer na nagngangalang Arnold Matamorosa para mamuno sa grupo. Kung nakipag-usap muna si Archbishop Cruz sa mga DPWH regional officials, nabatid sana niya na tahimik lang si Mayor hanggang sa maka­hidwaan si Matamorosa. Doon na nag-ingay si Mayor hinggil sa umano’y marangyang kabuhayan ni Mata­morosa at ang lumolobong kayamanan nito.

Hindi sa humuhusga tayo pero nakunan sa CCTV ca-mera sa casino si Mayor na kausap ang isang gambling financier. May mga report na si Mayor ay nag­papatakbo ng small town lottery sa Bicol.

Ba­ya­an na lang muna na­ting uminog ang imbesti­gas­yon ng mga awtoridad.

Bagama’t natural magda­lamhati si Archbishop Cruz, hindi maka­bu­buting gumawa ng mga ge­neral statements na nagpa­pahi­watig ng paratang ka­ninu­man, para mas mabilis na maresolba ang kaso.

vuukle comment

ARCHBISHOP CRUZ

ARNOLD MATAMOROSA

BICOL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAYOR

SHY

WILFREDO MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with