History ang Masonry sa Quezon

THIS afternoon, ngayon lang mangyayari sa kasaysayan ng lahi este mali Masonorya pala sa Quezon province na tatlong lodges ang sabay-sabay na i-install ang mga opisyal na bagong halal ngayon year 2010 - 2011.

Ang nasabing mga lodges ay ang Rizal Lodge #20,  Balintawak Lodge #28 at Plaridel Lodge # 74 ng Free and Accepted Masons of the Philippines.

Ngayon hapon, ang joint public installation rites ng mga elected at appointed officers ng mga nasabing loya sa itaas.

Si VW Joselito P. Tamaray, PDDGM, PDGL ang siyang panauhin pandangal at guest speaker.  Sina VW Felix D. Mendoza, ang installing officer, VW Augusto E. Angeles,PDGL, ang master of ceremonies at VW Evergisto D. Dael, PDDGM, ang assistant master of ceremonies.

Ang newly elected at appointed officer ng Rizal Lodge # 20 ay sina Bro. Mariano Rommel D. Marquez. Worshipful Master,  Bro. Alwind O. Capanzana, Senior Warden, Brol. Alwin M. Uy, Junior Warden, Bro Miguel Darwyn Z. Mascardo,Treasurer, VW Baltazar B. Taracina, DGL, Secretary, WB Ronaldo G. Bulfa, IPM, Auditor, VW Edilberto M. de Luna, PDDGM, Harmony Officer, Bro. Isaias B. Urbana 11, Chaplain, VW Eduardo B. Somera, PDGL, Marshal. Bro. Dennis Jay M. Mazo, Senior Deacon, Bro. Ferdinand A. Morta, Junior Deacon, VW Benedicto P. Asi, PDDGL, Lecturer, WB Apolinario Neil R. Folloso, PM, Organist, Bro. Alejandro J. Cos, Orator, VW Darwin M. Prieto, PDGL, Bible Bearer, Bro. Hennever B. Taracina, Almoner, Bro. Alexander A. Requina, Senior Steward, Bro. Jorge  A. Barreno, Junior Steward at WB Joven B. Rudico, Tyler.

Ang mga newly elected at appointed officials ng Balintawak Lodge # 28 ay sina Bro. Jefferson C. Uy, Worshipful Master, Bro. Federico P. Prieto, Senior Warden, Bro. Jose Elmer C. Bascos, Junior Warden, Bro. Brillo M. Tan, Treasurer, VW Juan R. Palandan, PDGL, Secretary , VW Arnold M. Quinocina, PDGL, Auditor, VW Ediberto M. de Luna, PDDGM, Harmony Officer, WB Edilberto D. Escobar, PM, Chaplain, VW Eduardo R. So­mera, PDGL, Marshal, Bro. Bro. Cristobal M. Semblante, Senior Deacon, Bro. Jorell T. Tan, Junior, Junior Deacon, WB Medardo D. Noscal, PM, Lecturer, Bro. Varian Reb C. Vidal, WB William T. Perez, PM, Orator, VW Darwin M. Prieto, PDGL, Bible Bearer, Bro Percival Sofronio O. Canela, Almoner, Bro. Geordil S. Castillo, Senior Steward, Bro Edcel A. Caraga, Junior Steward at WB Renato B. Balane, IPM, Tyler.

Ang mga bagong halal na official ng Plaridel Lodge # 74 ay sina WB Robinson L. Chua, PM Worshipful Master, WB Justo T. Florido Jr., Senior Warden, Bro Honesto U. Jorvina jr., Junior Warden, WB Honesto B. Jorvina Sr., treasurer, WB Manuel L. Chua, PM, Secretary, WB Antel T. Ardiente Jr., PM auditor, WB Rogelio U. Declaro, PM, Harmony Officer, WB Raul E. Florido, Chaplain, Bro Renan L. Desaluna, Marshal, Bro Russel E. Florido, Senior Deacon, Bro Rouel F Uranza, Junior Deacon, Bro Gerard Neri B. Aranas, Lecturer, Bro Ronald P Oreste, Orator, Bro Leo U. Constantino, Bible Bearer, Bro Ramon C. Talaga 111, Almoner, Bro Arnold Dyalo, Senior Steward, Bro. Richard L. Ang,  Junior Steward at WB Edwin L.  Chua, PM, Tyler.

Ang ‘fraternal dinner at fellowship’ ay gagawin sa Bulwagang Salakot, Barangay Rosario, Gumaca, Quezon.

Imbitado ang lahat ng mga Masons sa Philippines my Philippines para masaksihan ang history ng Masonry sa province of Quezon.

Sabi nga, punta na!

Luding at Rolly biyas sa jueteng

GRABE as in grabe kaya nga super lakas nina Luding, ang jueteng lord sa Baguio at si Rolly biyas ang hari ng dayaan bolahan dyan sa San Jose Occidental MIndoro dahil up to now ay dehins pa tumitigil ang mga ito sa pandaraya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bagyo ang lakas ng mga kamoteng ito sa mga pulitiko sa kanilang place kaya hindi sila natitinag sa kanilang katarantaduhan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagyayabang ng mga kamoteng ito sina DILG Secretary Ronnie Puno, CIDG actiong chief Don Montenegro, Mayor Romulo Festine ng San Jose Occidental Mindoro, NBI director Nestor Mantaring at Atty. Esmeralda.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Paano kaya maniniwala ang madlang people na dehins totoo ang pinagyayabang ng dalawa dahil up to now ay hindi tumitigil sa kanilang jueteng operations.

Si Rolly biyas, ay nalilito na sa kabibilang ng kuwarta porke P1 million ang pumapasok sa kanyang every week sa dayaan bolahan niyang operation.

Kamakailan lang matatandaan na hinataw ng NBI ang teritoryo ni Luding kaya huminto ito sa dayaan bolahan .

Sabi nga, natulala dahil sa dami ng nahuling kubrador.

Ika nga, left ang right ang hulihan.

Bakit ngayon bumalik ulit ang operasyon ni Luding kung amoy ng NBI ang kanyang kalokohan?

Kambiyo isyu, nagtatampisaw sa kuarta si Renel dahil hawak pala ngayon nito ang buong Quezon City kung ang video karera operation ang paguusapan.

 Samantala, si Buboy Go, ang siyang bumabandera sa Malabon. Ito kasing kamoteng ito ay matagal ng inaangal ng mga residente todits kasi nagugumon ang kanilang mga anak sa kasusugal ng video karera.

Tambayan din ng mga adik ang video karera ni Buboy Go.

Sa Las Pinas isang Bridgette ang bumabakbak dito at pangalan ni Senator Manny Villar naman ang kinakaladkad dahil super lakas daw siya sa pamilya nito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi palalagpasin ni NCRPO Chief Boysie Rosales ang pagyayabang ng mga kamoteng gambling lord sa Malabon, kyusi at Las Pinas.

Abangan.

Show comments