NAKAKABILIB ang United Laboratories (Unilab), local na tagagawa ng gamot. Matapang nitong sinasagupa ang dambuhalang multinational firm na Pfizer sa layuning maibaba pa ang halaga ng gamot.
Siguradong maraming mamamayan ang magpapalakpakan sa court battle na ito lalu na yung mga apek-tado pa rin ng mahal na gamot. Ang isyu kasi ay binabawalan ni “Goliath” si “David” na gumawa ng mas murang version ng gamot.
May hawak na patent si “Goliath” sa ilang uri ng gamot na ginagawa at ibinebenta sa presyong hindi abot-kaya ng mga mahirap. Siya lang daw ang may ekslusibong karapatang gumawa ng mga ito. May low-cost version si “David” pero umalma si “Goliath”. Inatasan ni “Goliath” ang malalaking drugstores na huwag ibenta ang mga gamot ni “David” (or else madedemanda sila). Ngunit nag-rule na ang Korte na pabor kay “David.” Puwede nang ibenta ng Unilab ang mas murang gamot nito.
Kaya hahamunin ni “David” sa Korte ang iba pang mga patent ni “Goliath.”
Magsasampa ang Unilab ng ilan pang patent invalidation cases para sa anti-cholesterol medicine na Lipitor ng Pfizer. Bukod ito sa naisampa na ng Unilab laban sa patent sa paggawa ng Atorvastatin na ginagamit ang amorphous form. Mura ng di hihigit sa 30% ang halaga ng Avamax sa Lipitor ng Pfizer,
Ibinasura ng Makati Regional Trial Court ang hinihi-ngi ng Pfizer na preliminary injunction upang pigilin ang Unilab at Therapharma na magbenta ng Avamax. Ang patent kasi ng Pfizer ay may taning na panahon at nawawalan ng bisa sa takdang panahon. Inamin ng ilang testigo mula mismo sa Pfizer na saklaw ang patent ng Lipitor ng ibang patent na nawalan na ng bisa.
Kung magtagumpay ang Unilab sa laban sa crystal- line form ng Atorvastatin, makakabili na ang mga mahihirap ng mas murang ber syon nito. Mas mura kasi at madaling makuha ang mga hilaw na sangkap na gagamitin ng Unilab para sa cheaper version nito. Higit na mura kaysa amorphous form ng Avamax ng Pfizer. Bukod diyan, inaasahang dadami ang generics kung makakansela ang patent ng crystalline form at magbibigay daan upang higit na magbukas ang merkado ng atorvastatin sa iba pang mga generic players.