Problema ni Baham Mitra
NAISULAT ko kamakailan ang disqualification ng COMELEC kay Rep. Abraham “Baham” Kahlil Mitra sa pagtakbo bilang Governor ng Palawan dahil sa issue ng “non-residency”.
Kung tutuusin, taal na Palaweño si Mitra. Kaso, ang Puerto Princesa na tinitirhan niya ay naging highly urbanized city noong 2007. Ang mga tagaroon ay hindi na makaboboto sa provincial level. Disqualified na rin sa pagtakbo sa ano mang provincial position ang sino man na taga-Puerto Princesa. Tingin ko’y may infirmity ang ganyang batas na marahil ay dapat ituwid sa pamamagitan ng bagong batas. In the meantime, may motion for reconsideration si Mitra sa COMELEC na marapat na ikonsidera ang merito.
Kilalang political stalwarts ang mga Mitra sa Pala- wan. Ang yumaong dating House Speaker Ramon Mitra na tatay ni Abraham ay isinilang at inilibing sa Palawan. Ramon Mitra turned Palawan’s image from host of a Leper Colony in Culion and Iwahig Penal Colony to what it is right now, a first class province and leading Tourist destination with a thriving economy.
Si Abraham naman ay 3-term incumbent Congressman sa Palawan at hindi nagpalipat ng distrito. Bumili si Abraham Mitra ng lupain sa bayan ng Aborlan noong June 2009 para ma-justify ang pagtakbo sa Palawan.
Nakipag-ugnay sa atin si Rep. Mitra para sabihin ang kanyang panig. Aniya, aprobado naman ng COMELEC ang kanyang transfer of registration. Meaning puwede na siyang bumoto sa bayan ng Aborlan and yet, ang tanong ay bakit hindi siya ubrang kumandidato?
Ang kakatwa nito, ang katunggali niya sa pagka- governor ay isang bagong rehistrong botante sa Pala-wan sa katauhan ni Pepito Alvarez. Si Alvarez ay isang negosyanteng mula Mindanao na may opisina sa Visayas na kung tutuusin ay bagong salta lang sa Palawan.
Sabi ng ilang kakilala ko mula Palawan, kung baga sa punongkahoy ay sa lalawigang ito na nag-ugat nang malalim ang mga Mitra na sa simula’t-simula’y beterano sa politika at mula sa mayaman at nirerespetong angkan.
Minsan kada tatlong taon lang ang local na elek syon at nakapanghihinayang naman kung masisilat si Abraham na batay sa mga nakalipas na survey ay palaging nangu nguna.
- Latest
- Trending















