^

PSN Opinyon

Parañaque fullspeed ahead!

- Al G. Pedroche -

SA kampanya ng mga pulitiko, pangkaraniwan na ang mga matatamis na pangako. Mga pangakong kapag napako ay taumbayan ay nasisiphayo. Kakaiba itong si Mayor Florencio Bernabe ng Parañaque City. Walang pangako. Aniya “ipinauubaya ko sa taumbayan ang aking kapalaran sa politika. Ang aking mga accomplishments ang mangangampanya para sa akin.”

Sabagay, yung mga punumpuno ng pangako ay yun lamang walang track-record. Yun bang mga bagito at wala pang napapatunayan. Matagal nang alkalde si Jun Ber­nabe at mayroon nang ibabanderang mga accom-plishments.

Ang tanging pangako (kung matatawag man itong pangako) ni Bernabe ay hindi siya maglulubay, bagkus ay “full speed ahead” ang gagawin niya sa pagsusu-long ng mga development program ng lungsod. Tingin ko naman, kung may napatunayan na, may kredibilidad, di ba?

“We will not stop the momentum,” aniya at sinabing ang nangungunang concern niya ay i-angat ang kalidad ng buhay ng mga taga-Parañaque.

Tinuran ni Bernabe ang pagsigla ng ekonomiya ng lungsod at ang episyenteng paghahatid ng mga pangu­nahing serbisyo sa mamamayan. Pero kung umunlad man ang Parañaque, hindi niya sinosolo ang kredito. Aniya, naririyan ang kanyang mga “co-workers” o ka­mang­­gagawa mula sa mga tagawalis ng lansangan hang- gang sa mga matataas na ehekutibo. Totoo nga naman na gaano man katalino ang namumuno, kung ang mga nakapalibot sa kanya ay mga tamad ay wala ring mangyayari.

Kapunapuna rin ang mga umusbong na infrastructures sa lungsod gaya ng mga paaralan, at mga health centers sa panahon ng pa­nunungkulan ni Ber­nabe.

Katunayan, pinuri ng World Health Organiza­­tion (WHO) sa epektibong pro­grama nito sa pagsug-po ng mataas na kriminalidad, mataas na infant mor­tality at kakulangan ng tubig sa lungsod.

Ang Parañaque ay gi­ na­waran noong Enero ng Ga­wad Kalinga award bi­lang isang namumukod-tanging local government unit.

Congrats Mayor Ber­nabe.

vuukle comment

ANG PARA

ANIYA

BERNABE

CONGRATS MAYOR BER

ENERO

JUN BER

MAYOR FLORENCIO BERNABE

SHY

WORLD HEALTH ORGANIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with