Bangon Pilipinas Sa Hongkong

MASIGLANG inilunsad ng Bangon Pilipinas ang kam­panya sa Hongkong na pangunahing destinasyon ng ating mga OFWs.

Dalawang mensahe ang ipinarating ni Bangon standard bearer Eddie Villanueva sa mga OFWs doon. Aniya, ang $16 billion na average annual remittance ng ating OFWs ay katumbas na ng sampung porsyento ng Gross Domestic Product ng Pilipinas. “Malaki ang utang na loob ng bansa sa ganito kalaking kontribusyon sa ating ekonomiya” ani Bro. Eddie.

Gayunman, nilinaw ni Bro Eddie na hindi dapat maging permanenteng kondisyon sa Pilipinas ang pagpapadala ng OFWs sa ibang bansa. Bagkus, sinabi niya na isang agenda ng partidong Bangon Pilipinas ay makapag-generate ng sapat na trabaho sa Pilipinas para sa ating mga kababayan. Katig tayo riyan. Sa ngayon, walang mapagpi­pilian ang ating mga manggagawa kundi mangibang bansa para sa trabahong may sahod na malaki. Ngunit possible ba na makalikha ng mga hanapbuuhay na katumbas ng mga empleyong iniaalok sa ibang bansa? “Posible” ani Bro. Eddie. Ganito ang sinabi niya.

“Sisimulan agad natin ang pagpapatupad ng ating Economic Centerpiece Program, ang “Small and Medium Enterprise generation, growth and development.” Kapag napalakas natin ang SMEs sa buong Pilipinas, ito ang magbibigay-daan sa patrabaho sa lahat ng sulok ng bansa. Kung may trabaho na sa bansa at may sapat na pasahod, hindi na matutulak palayo sa pamilya ang ating mga kababayan para maging OFWs.”

 Walang imposible basta’t ang mga mamumuno sa bansa ay matutuwid at wa­lang bahid ng katiwalian. Kahit ang mga naunang ku­mandidato sa pagkapa­ngulo ay nangako na ng mga quality jobs sa mga Pinoy at better economy pero hindi natupad ang pa­ngako dahil nabahiran ng katiwalian ang pamaha­laan.

 Totoong kailangan natin ng pagbabago mula sa tradisyunal na pulitika tu-ngo sa bagong pulitika. Sa inaalok ng Bangon Pilipi-nas party na “anim na ta­ ong walang korapsyon, sino ang tatanggi? 

Show comments