'Foolitics' sa Caloocan
NAKAKAALIW, nakababaliw talaga ang Philippine “foolitics”. Isang klasikong ehemplo ngayon ang aking lungsod ng Caloocan.
Si ex-mayor Rey Malonzo na dating kaalyado ni Caloocan Mayor Recom Echiverri ay kakampi na ni ex-Rep. Luis “Baby” Asistio. Panay ang banat kaliwa’t-kanan sa Alkalde ng lungsod. Si Malonzo ang vice mayoral running mate ni Asistio na kamakailan ay diniskuwalipika ng COMELEC sa pagtakbo dahil sa umano’y pekeng address na idineklara sa certificate of candidacy.
Bago maging mayor, kaalyado ni Malonzo sina Echiverri at Oca Malapitan (na naging kongresista). Ang misyon nila: Lansagin ang paghahari ng mga Asistio. Maraming taon na ang nakalilipas. Binansagan ko silang “tres moskiteros” at “inseparable trio” nang interbyuhin ko sila sa aking radio program noon sa DWBR. Isa rin kasi ako noon sa mga naghahangad ng reporma sa Caloocan na akin nang naging tahanan sapul pa ng ako’y pitong taong gulang. Ganyan pala sa “foolitika”. Ang kalaban mo noon ay kaaway mo ngayon (and vice versa).
Si Malonzo umano ang ginagamit na taga-upak ni Asistio. Ang taong dating kontra-Asistio ay siya ngayong bumabanat sa mga kalaban ni Asistio. Sa kanya raw radio program, pulos pang-iinsulto ang ginagawa ni Malonzo sa mga tirada at tsismis kay Echiverri kaya’t ngayo’y binansagan siyang “Boy Abunda” ng Caloocan.
Wika ng ilang nakakikilala kay Malonzo, siya raw ang pinakahuling taong may karapatang mamersonal dahil sa umano’y masalimuot ding nakaraan. Di na dapat idetalye ang karaniwang sakit ng maraming kabaro ko na maging ang dating Presidente ng Pilipinas ay naging tampulan ng bati-kos noong araw. Dito naaangkop ang talata sa Biblia nang sabihin ng Pa nginoong Hesus na ang sino mang walang kasa- lanan ay kumuha ng bato at pukulin ang babaeng inaakusahang makasalanan.
Panahon na para i-angat ang antas ng pangangampanya at mga isyu na lang ang pagdebatihan imbes na mga malalaswang kwento tulad ng ginagawa ni Malonzo.
- Latest
- Trending