^

PSN Opinyon

Alagad ng batas nauuna lumabag

SAPOL - Jarius Bondoc -

MGA opisyal na inatasang ipatupad ang batas ang mismong lumalabag sa batas. ‘Yan ang angal ni Cavite Gov. Erineo Maliksi sa pagtanggal sa hepe ng pulis sa probinsiya nang labag sa batas, utos ng korte at election ban.

Enero 6 walang rasong inalis ni Interior Sec. Ronnie Puno si Sr. Supt. Alfred Sotto Corpus. Umangal agad si Maliksi na wala ito ginawang mali. Kung tutuusin nga, nang maupo ang 1987 top PMA graduate at 2005 Outstanding Policemen, giniba nito ang maraming crime syndicate. Angal din ni Maliksi na hindi nagnomina si Puno ng pamalit ayon sa Napolcom Law, na ginawa nu’ng Agosto kaya napili niya si Corpus. Enero 8 humingi si Maliksi sa korte ng temporary restraining order laban kay Puno at PNP chief Jesus Versoza. Nag-TRO ang korte nang tatlong araw, hanggang Enero 11. Binale-wala ito ni Puno. Samantala, nagsimula na ang election period nu’ng Enero 10, na nagbawal sa executive branch (kasama si Puno) na mag-hire, magsibak o maglipat ng tauhan. Pati ito dinedma ni Puno. Nu’ng araw na ‘yon itina­lagang pamalit si Sr. Supt. Primitivo Tabujara. Kina­gabihan namuno si Tabujara sa 50 pulis sa checkpoint sa tapat mismo ng bahay ni Maliksi sa eskinita — isang panunuya sa pinunong sibilyan.

Nanumbalik ang kriminalidad sa Cavite. Libu-libong pinunong lokal, sibiko at negosyo ang nagpetisyon laban sa pamomolitika sa pulisya. Nangangamba si Maliksi na gagamitin ang mga unipormado sa eleksiyon: pagtulong sa ka­laban at pananakot sa botante. Halos 1.7 milyon na kasi ang bo­tante sa Cavite, mas marami kaysa higanteng Pangasinan at Cebu.

Kamakailan sumapi si Maliksi sa oposisyong Liberal Party. Pi­nalitan rin ni Puno ang mga hepe ng pulis sa iba pang probinsiya at siyudad na oposisyon ang go­bernador o meyor: Pampanga, Isabela, Bulacan, Rizal, Capiz, Nueva Ecija, Bataan, Tarlac, Zambales, Camarines Sur, Antique, Northern Leyte, Surigao del Norte; Caloocan, Pasig, Makati, Alaminos, Davao, Cabanatuan, Muñoz, Palayan. Gapan, Tala­vera, Guimba, Zaragosa, Que­zon, San Isidro, Licab, at Laur.

ALFRED SOTTO CORPUS

CAMARINES SUR

CAVITE

CAVITE GOV

ENERO

ERINEO MALIKSI

MALIKSI

PUNO

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with