PATOK ang negosyong food cart lalo na ang konsepto nito ay hango sa mga pagkaing tinitinda sa kalye o street foods na kilalang numero unong pamatid-gutom.
Makikita kung saan maraming tao ang mga food cart na ito lalo na sa mga pasilyo ng mall, istasyon ng tren, sa mga eskuwelahan at kung minsan sa mga kanto na rin ng bawat kalsada.
Kaya naman, naglalabasan ang iba’t ibang kumpanya ng food cart na nag-aalok din sa mga nagbabalak mag-negosyo ng kanilang prangkisa. Eto ‘yung tinatawag na food cart franchising.
Para sa mga nagbabalak magnegosyo, mabibighani na pumasok sa food cart franchising lalo na kung maki-kitang ang isang pagkain sa cart ay pinipilahan, pinagka-kaguluhan at pinagkukumpol-kumpulan ng mga mami- mili.
Subalit may ilang sinasamantala ang kasikatan ng food cart franchising dahil naglalabasan din ang mga bogus na kumpanyang nag-aalok kuno ng franchise na gusto mong food cart.
Ang pinakamatunog na kumpanya sa panloloko gamit ang konseptong food cart franchising, ang FRANCON INTERNATIONAL INCORPORATED.
Babala, hindi mo aakaling manggagantso ang kumpanyang ito dahil sa Antel Global Building sa Ortigas Pasig ang kanilang tanggapan. Kapag binisita mo naman ang kanilang website, aakalain mo talagang lehitimo ang FRANCON.
Kinakasangkapan nila ang kanilang website upang makasilo ng mga loloko-hing kliyente. Bawat bibisita kasi sa website ng FRANCON, mamamangha sa mga larawan ng food cart at pangalan ng produkto na maaari mong bilhin.
Kapag naimbitahan ka naman na pumunta sa kanilang tanggapan, umpisa na ng lokohan. Papangakuan ka ng tungkol sa kanilang mga serbisyo’t assistance kuno para magtagumpay ang inyong negosyong franchising.
Dahil maganda sa iyong pandinig ang kanilang mga pangako, kukumbinsihin ka ng mga mokong na empleyado ng FRANCON na magbigay ng sampung libong piso bilang downpayment.
Makakatulong daw ito para-maisarado ng FRANCON ang slot o pinakamagandang location para sa iyong itatayong food cart.
Subalit lahat ng ito, kasinungalingan, panloloko, panggagantso at pangmo-modus. Ang lahat ng ito ay ayon na rin mismo sa kanilang mga naging biktimang kliyente.
Ang ilan sa kanila, naitayo nga ang food cart subalit agad nagsara dahil pinabayaan at hindi tinu-pad ng FRANCON ang mga prosesong pinagsasabi ng kumpanya nung kinukumbinsi pa lamang silang kumuha ng franchise.
Karamihan naman ng lu mapit sa BITAG, matapos makapagbayad ng buo sa FRANCON, kinalimutan na sila, walang naitayong negosyo.
Kabi-kabila na ang sinampang kaso sa korte ng mga biktima laban sa may-ari at mga empleyado ng FRANCON subalit naka-pagtataka, sa kabila nito at ng warrant of arrest na na-kaamba sa kanila, tuluy-tuloy ang kanilang pamamayagpag.
Abangan sa susunod na labas ng kolum na ito ang mga pangakong panggagantso ng FRANCON at kung paano naman ito kinontra ng mga biktima base sa ginawa sa kanila ng kumpanya….