^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat niyang maranasan ang hirap na nadarama

-

K APUNA-PUNA ang pagto-tour ni President  Arroyo sa mga nakaraang araw. Nag-iikot siya sa mga newspaper publication at nagho-host ng dinner para sa mga editor at publisher. Nakikipag­tsikahan sa mga sundalo. Ngayon lang niya ito ginawa at kung kailan limang buwan na lang siya sa puwesto.

Noong Martes, sinubukan naman niyang mag-tour kasama ang media mula Calamba, Laguna hanggang Mindanao Avenue, Novaliches. Nagdaan siya sa South Luzon Expressway (SLEX) at C-5 road. Ipinagmalaki niya sa mga mamamahayag na patu-loy ang construction ng mga kalsada. Ito raw naman talaga ang mahalaga para ma-moder­nisa ang eko­ nomiya. Mabilis ang pag-unlad kapag maga­ganda ang kalsada. Umabot lamang ng isang oras at kala­hati ang paglalakbay ng Presidente mula Ca­lam­ba hanggang Novaliches. Nasiyahan ang Presi­dente sapagkat mabilis ang biyahe. Wala raw sagabal.

Natural lamang na walang sagabal na mararana­san dahil Presidente ang nagto-tour. Wawalisin ng kanyang escorts ang mga hahadlang sa daan. Tala­gang mabilis lang na mararating ang patutunguhan kung may mga alalay.

Maganda naman ang naisip niyang tour kasama ang media dahil nakita niya ang mga ginagawang construction sa mga kalsada. Subalit mas magiging makatotohanan kung madarama ang tunay na naranasan ng mga pasahero kapag nagbi­biyahe sa SLEX, EDSA at iba pang panguna­hing kal­sada.           Su­bukin niyang magbalatkayo at magbiya­heng mag-isa kung rush hour. Makiki­ta ang tindi ng trapik at makararamdam siya nang pagkabanas sa hindi ku­mikilos na trapik. Sa ganyang paraan, lubusan niyang madarama at mararanasan ang tunay na kalaga-        yan ng mamamayan.

Bakit kaya hindi niya gawin ang ginawa nina dating President Manuel L. Quezon at Ramon Mag­say­say na sumakay sa bus nang nag-iisa para la­mang malaman ang dinaranas ng mga karaniwang tao habang nagbibiyahe? Isang bus umano ang sinuspende ni Magsaysay makaraang hindi isa-    kay ang isang pasahero. Madalas daw nagbabalat-    kayo ang dalawang dating Presidente para lamang makita at madama ang nararamdaman ng karani­wang mamamayan. Kaya kaya ng kasalukuyang presidente ang ganoon?

BAKIT

MINDANAO AVENUE

NOONG MARTES

NOVALICHES

PRESIDENT MANUEL L

RAMON MAG

SHY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with