Ang bangka ni Pedro

SA pag-aalay ng banal na misa ay lagi nating ipinagbu-bunyi ang pasasalamat sa Panginoon katulad ng papuri ng mga Serapin: “Banal, banal, banal (Santo, santo, santo) ang Panginoong Diyos ng mga hukbo, napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo, Osana sa kaitaasan”. Tularan natin ang mga anghel na tuwinang nagpupuri sa Diyos.

Ang pagpupuri sa Diyos ay ang ating lubusang pasa­salamat sa Kanya katulad nang sinabi ni Pablo: “hindi ito sa sarili kong kakayanan kundi sa tulong ng Diyos sa akin” Ang kabutihan ng Diyos ay ating ipangaral sapagka’t ito ay ating pananalig sa Kanya. “Poon kita’y pupurihin sa harap ng mga anghel”. 

 Nabanghay ko sa aking aklat na Today is the Tomorrow of Yesterday ang aking nabuong mensahe sa ebang­helyo sa araw na ito na tinawag kong Simon’s Big Catch is Jesus’ Act of Appreciation (CBCP Monitor, February 1, 1998). Sa pangangaral ni Hesus sa may lawa ng He-ne­saret ay nilapitan Niya si Pedro upang hiramin ang kan­yang bangka na nakadaong sa may dalampasigan. Naupo Siya roon upang mangaral. Para bang sinabi ni Pedro na bahala kayo, gamitin ninyo iyan gayong wala man lamang kaming nahuli sa nakaraan gabi ng pangingisda.

Matapos gamitin ni Hesus ang bangka ay iminungkahi Niya kay Pedro na ihagis ang lambat sa lawa at ganun na lamang ang pagkamangha ni Pedro at mga kapwa ma­ngingisda na: “napuno ang dalawang bangka na halos lumubog na”. Ang tanging nasabi ni Pedro ay: “lumayo po kayo sa akin Panginoon, sapagka’t ako’y makasalanan”.

Napakabait ng Panginoon. Anumang napakaliit na bagay na puno ng kabutihan ay kailanman ay hindi Niya nalilimutan. Magugulat pa tayo sapagka’t tayo ay sinuk-lian ng napaka-halagang mga biyaya at pagpapala. Gina-wa ni Hesus na si Pedro ay hindi lamang mamamalakaya   ng isda kundi mamama­la-kaya ng mga tao (tayo) upang sama-sama tayong magpa­hiram sa Panginoon ng ating bangka ng kata­linuhan, pa­nahon at kaka­yanan.

Ipanalangin ninyo ang   aming pagtatapos ng MEW (Marriage Encounter Weekend) ng Ancilla Domini PDCC dito sa La Verna House of Pra­yer, Bgy Iru­hin, Tagaytay City.

Is 6:1-2; Salmo 137; 1Cor 15:1-11 at Lk 5:1-11

Show comments