CONGRATS sa mga senador sa Philippines my Philippines dahil naging ok ang kanilang decision making na itigil na ang contraversial issue regarding sa sinasabing C-5 road extension anomaly dahil sinasabit nila si Senator Manny Villar ito ay tungkol sa report ng Senate Committee of the Whole na kumita si Manny at ang mga company owned niya ng P6.2 billion sa pamamagitan ng mala - kamoteng pamamaraan.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Siguro para malaman ng madlang people ang mga ipinupukol na bantot kay Manny regarding sa issue sa itaas dapat na lumutang ito at ipagtanggol ang kanyang sarili sa mata ng people of the Philippines my Philippines.
Sabi nga, truth shall prevail!
Hindi naman naantig ang mga follower ni Manny dahil alam nila ang mga tumitira sa kanya sa Senate ay mga kalaban niya sa putikan este mali pulitika pala.
Sabi nga, mga presidentiable pa ang iba.
Dahil sa pangyayaring pambubugbog ng mga kontrabida kay Manny na ala-Fernando Poe Jr., kung baga sa pelikula tumaas ang ‘rating performance’ nito sa madlang people regarding sa survey as of today.
Matagal din panahon na tinira-tira, nilait-lait, iniskandalo si Manny ng kanyang mga critics pero binalewala ito ng bida kasi nga alam niyang iba ang interes ng kanyang mga kalaban.
Kaya naman inisnab lang ito ni Manny at parang walang narinig, nabasa, o nabalitaan sa mga ginagawang ngak-ngak ng mga bumabastos este mali bumabatikos pala sa kanya.
Gustung-gusto nilang maparusahan si Manny para nga naman mapahiya ito sa madlang people sa Philippines my Philippines at iwanan ng kanyang mga follower kasama ang mga voter niya.
Ika nga, tulad ng nangyari kay Ping. Hehehe!
Kung may problema si Manny sa Republic of the Philippines my Philippines siguro ang madlang voters sa Mayo 2010 ang magde-decision ng mga bagay nito.
Sabi nga, wait and see!
AMS party-list
Ang Alyansa ng Media at Showbiz, Inc., ay isang pambasang organization ng mga workers sa media at entertainment industry.
Sabi nga, mga kabaro!
Ang sektor nito ay binubuo ng maliliit na mangagantso este mali manggagawa pala sa dyaryo, telebisyon, pelikula at iba pang sangay ng multi-media sa Philippines my Philippines.
Ika nga, working media!
Ang lasunin este mali layunin pala nila ay isulong ang kapakanan ng sektor sa pamamagitan ng programang magpapa-angat ng kanilang kalagayan sa pamumuhay.
Tiyakin na makapagpasa ng mga butas este batas pala na magbibigay ng proteksyon sa kalayaan sa pamamahayag, pagbuhay sa naghihingalong industriya ng pelikula at pagpapataas ng propesyunal sa kanilang sining.
Aasenso ng todo ang Republic of the Philippines kapag nakita ng madlang people ang kahalagahan ng ating tunay na adhikain, kalayaan sa pamamahayag at pagpapahalaga sa sariling sining.
Kaya mga kamote ang AMS ang boses natin sa Kongreso.
Abangan.
Kalabaw sa PASG at NBI
Isang Jun areglo, aka kalabaw ang nag-iikot para mangotong gamit ang pangalan ng NBI at PASG.
Hindi biro ang lakad ng kamoteng ito marami siyang nasasagasaan kaya dapat alamin nina NBI Director Nestor Mantaring at PASG bossing Bebot Villar ang papel nito sa ahensiya.
Hintayin!