^

PSN Opinyon

DENR OIC Eleazar Quinto, basahin mo 'to!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGKAKAGULO ngayon ang mga tauhan at opisyales sa tanggapan ng Department of Environment and Na-tural Resources.

Ang itinuturong “salot” sa kaguluhang ito, ang bagong itinalagang “caretaker”, si acting DENR Secretary Eleazar Quinto.

Dalawa lang ang naglalaro sa isipan ng mga na­apektuhan, kung hindi BOBO, MATALINO itong si Quinto. Po­sibleng naghalo na rin ang kabobohan at katalinuhan nito.

Iyong mga bagay na hindi ginawa ng kanyang dating boss na si Sec. Lito Atienza, ginagawa na ngayon ni Quinto. Ito’y ang iligal at mabilisang balasahan sa mga opisyales at tauhan ng DENR ngayong nalalapit na ang eleksiyon.

“Bobo” si Quinto kung hindi niya alam na bawal ang balasahan sa anumang departmento ngayong mga panahong ito na walang pahintulot mula sa Commission on Election.

Maaaring matalino siya dahil may maitim siyang bala­kin kung saan siya lamang ang nakaaalam pero nakikita na ng kolum kong ito.

Ang sagot nitong talpulanong si Quinto, gusto niyang mag-iwan ng pamana o legacy sa DENR.

Ang gusto niya yatang palabasin, mas magaling siya kay Atienza na sa loob lamang ng ilang buwang n­atitira, maisasakatuparan niya ‘yung iiwan niyang legacy kuno.

Posibleng “pakawala” ng palasyo si Quinto dahil hindi ito magkakaroon ng gani­tong lakas ng loob kung walang nasa likod niya.

Sino ba naman ang ma­kikinabang kung hindi ang administrasyon sa pinag­gagagawa nitong si Quinto kung gagamitin nito ang DENR ngayong nalalapit na ang halalan.

Kaya ganito katibay ang kaniyang sikmura, may si­nasandalan. Maliban na la­mang kung aawatin ng pa­lasyo itong si Quinto.

 Iyong VIP na tinabihan ni Eleazar Quinto, sa burol ni yumaong Cerge Remon­de sa Heritage, nag-iisip na raw na palitan siya sa kan­yang pagiging OIC sa DENR.

Ito ‘yung VIP na maim­-plu­wensiya at nakatira sa    pa­lasyo. Nabubuwisit na    raw matapos mabalitaan    ang pinaggagagawa nitong   si Quinto. 

vuukle comment

CERGE REMON

ELEAZAR QUINTO

IYONG

KUNG

LITO ATIENZA

QUINTO

SECRETARY ELEAZAR QUINTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with