Dr. Elicaño, ano po ang dahilan at nagkakaroon ng bato sa pantog (urinary bladder)? Ang aking ama ay hirap na hirap umihi at laging nirereklamo ang pananakit ng kanyang ibabang bahagi ng tiyan. Sabi niya kakaunti lang naman ang kanyang iniihi pero pakiramdam niya ay ihing-ihi siya. Posible kayang may stone siya sa kanyang urinary bladder? —JEREMY SANTOS, North Fairview, Quezon City
Nararapat na ipasuri mo muna siya para makatiyak sa iyong hinala. Ganunman, batay sa sinabi mong mga sintomas, maaaring may bato nga siya sa urinary bladder o pantog. Mayroong tatlong uri ng bato sa pantog pero ang pinaka-common type ay yung posphatic kung saan ay nagkakaroon ng pamamaga dahil sa composition ng ihi sa pantog. Ang mga bato ay masyadong ma-liliit subalit masyado namang malaki kaya ayaw suma-ma sa ihi. Lumalaki ang bato dahil sa presensiya ng salts at minerals.
Nagkakaroon ng bato sa pantog dahil sa maraming kadahilanan kagaya ng impeksiyon sa pantog, gout and thyroid disorders. Dahilan din ang injury sa pantog, dehydration at kakulangan sa pag-inom ng tubig.
Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng bato sa pan-tog ay inflammation sa pantog, masakit na pag-ihi, pakiramdam na maiihi pero wala o katiting ang iniihi, pagkakaroon ng dugo sa ihi, masyadong malabo o cloudy ang ihi at laging masakit ang ibabang bahagi ng tiyan.
Ipinapayo na dapat uminom nang maraming tubig at i-adjust ang diet at magpakunsulta para maagapan kung may namumuo nang stone sa pantog. Kapag masyado nang malaki ang stone at hindi na kayang idaan sa pag-ihi, ang surgical removal o operasyon na ang nararapat. Dalawang pamamaraan ang operasyon, una ay ang lithoplaxy at ang ikalawa ay lithotomy.