^

PSN Opinyon

Sexual Harassment ni Dean.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMI ang mga kaso ng sexual harassment na nara­ranasan ng mga kababaihan. Subalit mangilan-ngilan lamang sa mga biktima ang naglalakas-loob na magsalita at magsumbong sa kinauukulan.

Karaniwang nangyayari ang krimen ng sexual harassment sa relasyon ng may nakatataas na posisyon o seniority sa subordinate nito o taga-sunod.

Nangyayari ito sa trabaho sa pagitan ng amo at emple­yado, sa bahay sa pagitan ng matandang kamag-anak at nakababatang miyembro ng pamilya at sa eskuwe-lahan sa pagitan ng guro at estudyante.

Sexual harassment nang maituturing kahit na walang sexual contact na nangyayari sa pagitan ng suspek at bik­tima. Maaaring panghihipo, pananantsing at pagsa­salita ng malalaswa ng laban sa kagustuhan ng biktima na­isasagawa ang sexual harassment.

Isang reklamo ang inilapit sa BITAG ng isang disi-siyete anyos na estudyante ng isang kilalang Maritime University sa Maynila.

Kasama ang kaniyang mga magulang, isinalaysay ni Aileen (hindi tunay na pangalan) ang kaniyang sumbong laban sa Dean at professor ng pinapasukang eskuwe­lahan.

Sa isang fast food chain sa Carriedo umano naganap ang pangyayaring hindi niya inaasahan at mga salitang di inaakalang matanggap ng isang menor de edad.

“Ang pakikipagtalik ay human nature. Lahat ng tao du­madaan sa pakikipagtalik”, sambit raw ni Dean kay Aileen na ikinagulat ng bata.

Sinundan pa raw   ito ng “posibleng mang-yari din ito sa ating dalawa”. Dito, pilit na tumanggi umano si Aileen sa diretsahang alok ng kaniyang Dean at professor.

Sa huli, binulungan na lamang daw siya nito na “ang mga teenager na katulad mo ay nakapagpapabu-hay ng dugo ng mga tulad ko”.

Kung ang inyong anak na dalaga kaya ang masabihan ng ga­nito, bilang magu­lang siguradong maghuhu­ra­mentado ang paki­ramdam mo.

Ang masahol dito, magdadalawang bu­wan na ang lumipas, wala pang nagagawa ang pinagsumbungan ring eskuwelahan. Bag­kus, kinumpronta pa ng suspek ang biktima na masyadong sensitive sa kanilang pinag-usapan.

Antabayanan la­mang ang mga hak­bang na gagawin ng BITAG dahil matapos naming maipalabas ang interview sa bik­tima sa UNTV kahapon ng umaga, dumating ang representante ng eskuwelahan sa aming tanggapan kinatang­halian.

AILEEN

ANTABAYANAN

CARRIEDO

DITO

ISANG

KARANIWANG

KASAMA

MARITIME UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with