BLT-TTG

MARINA Administrator Maria Elena Bautista, DoTC Undersecretary for Maritime Transport Thompson Lantion at PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo. BLT. Itaga sa bato at huwag kalimutan. Dahil itong tatlo ang kaila­ngan panagutin sa lahat ng nawalang buhay, pag-aari, oportunidad at pag-asa sa naganap na twin sea tragedies nitong pasko.

Kahihiyan ng Pilipinas na kilalaning may pinakama­sagwang peacetime maritime safety record sa buong mundo. Para sa isang archipelago, ang transportasyong pandagat ay siyang pangunahin at madalas, natatanging paraan upang bumiyahe ang pasahero at cargo sa pagi-tan ng mga 7000 islands. Hindi maaring basta-basta na lamang ipasadiyos ang regulasyon ng industriyang ito. A matter of life and death na itaas ang antas ng kalidad ng ating mga sasakyang pandagat at higpitan ang pagpatu­pad sa mga patakarang sisiguro sa kaligtasan ng lahat.

Napatunayan ito nang muling bumulaga ang sakuna ng M/V Catalyn-B sa Cavite at M/V Baleno 9 sa Bata-ngas. Sa mga ulat, malinaw na malaki na naman ang kontri­busyon ng Human Error sa paglala ng sakuna.

Nakabinbin sa Kongreso ang Philippine Maritime Act habang ang Coast Guard Law naman ay nakatengga sa Malakanyang. Pero hindi ito alibi para sa mga nabanggit na opisyal at kagawaran. Wala nang paliwanag kung   bakit nangyayari pa ang ganito. Mula noong June 2008 nang maganap ang Princess of the Stars tragedy, ito na ang pampitong trahedya sa dagat.

Kung may pagkukulang, ito’y pagkukulang ng pa-     mu­muno. Kakulangan sa paghigpit o kapabayaan sa pag­­higpit. Masyado nang mataas ang matrikulang binayad — mahigit 1000 na ang nasawi at hindi mabilang ang pamil­yang apekta­do. Kung wala pa ring aral na natutu­nan sina Lan­tion, Tamayo at Bautista … kung hindi pa rin mapi­gilan ang napakataas na insi­dente ng sakuna, eh dapat ibagsak na! Kung may nati­tirang katiting na delika­deza o kahit kahihiyan man lang; kung may kahit ba­ hagyang bahagi ng pisngi nilang hindi pa takip ng kalyo – siguro nama’y panahon na upang magbi­ tiw at tang­gapin na hindi sila epektibo sa kanilang trabaho.

BAUTISTA, LANTION at TA­ MAYO (BLT) – nasa ulo niyo ang pananagutan sa sinapit ng ating mga kaba­bayan. Kung manatili pa kayo sa trabaho, kawa­wa ang Pilipino. Its TIME TO GO (TTG).

Show comments