^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sariwa pa sa alaala ang Rizal Day bombing

-

EKSAKTONG siyam na taon na ang nakalilipas mula nang maganap ang Rizal Day bombing (Dec. 30, 2000). Hanggang ngayon, sariwa pa ang alaala sa mga nabiktima ng karumal-dumal na pangyayari. Itinuturing ang Rizal Day bombing na pinakamadugong pangyayari sa Pilipinas na ang may kagagawan ay ang Jemaah Islamiyah, grupo ng mga terorista mula sa Indonesia. Pinakamadu­gong pangyayari sapagkat 22 katao ang namatay at mahigit 100 ang nasugatan. Pinakamaraming namatay sa Light Rail Transit (LRT) na kinabibi­langan ng mga bata. Nangyari ang pambobomba habang abalang-abala ang mga tao sa paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Limang sunud-sunod na pambobomba ang na­ga­nap ng araw na iyon. Isang oras lamang ang pa­gitan. Unang binomba ang Plaza Ferguzon, Malate, Manila na malapit lamang sa US Embassy. Kasunod na binomba ay ang isang gasolinahan sa EDSA sa tapat ng Dusit Hotel, Makati kung saan ay dalawang pulis ang namatay. Kasunod niyon, su­mabog ang isang bomba sa cargo handling area ng Ninoy Aquino International Airport. Sunod na sumabog ang isang bomba sa bus na bumibiyahe sa EDSA patungong Cubao at isang pasahero ang namatay. Kasunod niyon ay ang malagim na pag­sabog sa LRT sa Blumentritt Station, Manila.

Blackpowder bomb umano ang ginamit na sang­kap ay ammonium nitrate. May timing devices at blasting caps na katulad sa dinamita. Apat katao ang magkakasunod na nadakip at sila ay pawang mga miyembro ng Jemaah Islamiyah. Ang Indonesian terrorists na si Mukhlis Yunos at Fathur Roh­man Al-Ghozi ang tinuturong nag-detonate sa bom­bang sumabog sa LRT. Napatay si Al-Ghozi maka­raang tumakas sa Crame noong Oct. 13, 2003. Si Yunos kasama sina Abdul Fatak Paute at Mama­sao Naga ay nahatulan ng 20-taon na pagkabi­langgo noong January 23, 2009.

Sariwa pa ang sugat na nalikha ng Rizal Day      bom­bing at matatagalan pa bago tuluyang mag­ hilom. Taun-taon habang ginugunita ang kama­tayan ni Jose Rizal, maaalala rin ang kamatayan ng mga inosen­teng mamamayan na biktima ng pambobomba. Ang pagbabantay ng awtoridad sa pakikipagtulungan ng mamamayan mismo ang makapipigil sa paglaganap ng terorismo. Hindi na dapat maulit ang Rizal Day bombing.

ABDUL FATAK PAUTE

AL-GHOZI

ANG INDONESIAN

BAGONG TAON

BLUMENTRITT STATION

DUSIT HOTEL

JEMAAH ISLAMIYAH

KASUNOD

RIZAL DAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with