Dear Dr. Elicaño, ang aking pamangkin ay dalawang taong gulang na subalit nagtataka po kami kung bakit hindi siya nagre-react sa tunog at hindi rin siya nagsasalita. Sinabi ko po sa aking kapatid na baka may deperensiya sa pandinig ang aking pamangkin kaya dapat siyang patingnan sa espesyalista. Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit may mga ganitong kaso ng pagkabingi at anu-ano ang mga palatandaan sa bata. —MYRA ng Sto. Tomas, Batangas.
Salamat, Myra.
Maaaring congenital deafness ang kaso ng pamangkin mo at dapat agad siyang mapatingnan sa isang doctor na espesyalista sa ganito klase ng sakit.
May dalawang uri ang pagkabingi at una na nga ang congenital deafness o bingi na mula sa pagsilang at ang ikalawa ay ang conductive deafness na isang abnormaliodad sa outer o middle ear na humaharang sa pagpasok ng tunog sa dakong dulo ng taynga. Ang conductive deafness ay karaniwang nangyayari sa mga taong nasa 50-anyos pataas. Ang conductive deafness ay maaaring biglaan o dahan-dahan ang pagkabingi.
Ang congenital deafness ay mapapansin kapag ang bata ay hindi nagre-response sa malakas na tunog halimbawa ay kapag sumasapit ang Bagong Taon na kahit kaliwa’t kanan ang putukan ay wala siyang reaksiyon. At sintomas din ng congenital deafness ang hindi pagsasalita gayung siya ay nasa tamang edad na. Sa ganitong kaso, dapat nang lagyan ng hearing aid ang bata at dapat ding isasailalim siya sa special training para makapagsalita. Kailangan ang pagsubaybay ng magulang sa kanilang anak na may ganitong problema.
Isa sa sinasabing dahilan kaya nagkakaroon ng congenital deafness ay kapag ang ina ng bata ay nagkaroon ng German measles sa panahon na ipinagbubun- tis ang bata. Dahilan din umano ang pagkakaroon ng syphilis ng ina. Gayunman, hindi pa napatitiba-yan ang ganitong mga dahilan.
Ang conductive deafness sa isang banda ay dahil naman sa Otitis media. Dahilan din ang masyadong malakas na putok (gunfire explosions) at ang mga ingay sa lugar na pinagtatrabahuhan.