P220,000, napupunta kay Nancy Villanueva ng MTPB
KUNG pagbabago ng Maynila ang pag-uusapan sa ngayon marami sa aking mga kausap ang nagsasabi na si dating PNP chief Avelino Razon lamang ang kanilang napu pusuan. Ito’y ayon sa aking mga nakausap sa bakuran ng Manila Police District. Malamya na umano ang kampanya ng kasalukuyang mayor ng Maynila dahil sa patuloy na paglobo ng krimen lalo pagsapit ng dilim. Naging masikip na rin ang mga kalye partikular na ang C.M.Recto sa Divisoria at kapaligiran ng Quiapo matapos latagan ng sidewalk vendors ang buong kalye. Pinamumugaran na rin umano ng mga salisi gang, snatchers at holdaper na ang madalas na nabibiktima ay mga mamimili.
Napanis ang laway ni Manila mayor Alfredo Lim sa kamamando sa kanyang mga alipores na mga retarded este retired policemen pala sa city hall kaya lalong lumobo ang operasyon ng mga ilegalista sa lungsod, he-he-he! Paano naman makakakilos ang mga ito kung uuga-uga na ang mga tuhod dahil sa katandaan na ang tanging pinagkakaabala-han ngayon ay ang mamitsa sa mga kaawa-awang mahihi-rap na Manilenyos. Ayon yan sa sumbong ng mga apektadong mamamayan ni Mayor Lim.
Habang nasa puwesto umano sina Nancy Villanueva ang kasalukuyang Officer-in-Charge ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay lalong malalagay sa masalimuot na sitwasyon ang isinusulong na kandidatura ni Lim sa 2010 election. Ayon sa sumbong na nais nilang iparating kay Lim, hindi umano bumababa sa P220,000 ang napasasakamay ni Villanueva tuwing Linggo mula sa mga kuliglig, sidecar at tricycle driver, illegal terminal sa Lawton, Divisoria at Blumentritt. Si Alex Constantino umano ang over all collector ni Villanueva. Isinasangkot din nila sa kanilang reklamo ang isang nagngangalang Atty. Peren na nakabase naman sa Veterinary Inspection Bureau na kasabwat umano ni Villanueva sa paglagom ng intelihensya sa mga sidewalk vendors sa C.M.Recto, Divisoria at Quiapo.
Mayor Lim, mukhang malayo na yata ito sa trabaho ni Atty. Peren dahil sa pagkakaalam ko ang VIB ay tagasuri ng mga karne na inilalatag sa mga palengke upang masigurong ligtas ang mga ito sa mga mamimili. Nakatutuyo pala ng karne ang pangongotong ni Peren kung patuloy ito sa kanyang tiwaling operasyon. Sa halip na lipulin ang mga nagkalat na aso’t pusa sa kalye ay pinuntirya ang bulsa ng mga kaawa-awang driver. Get n’yo mga suki!
Ang mga kolektor umano nina Villanueva at Peren ay sina Larry Huenas, na nakabase naman sa impounding ng Central Market. Sina Malou at Alex Constatino umano ang nag dadala ng intelihensya kay Villanueva tuwing Sabado at Linggo. Ayan Mayor Lim pakihambalos mo sina Villanueva at Peren nang masiyahan ang botante. Oras na magpabaya ka sa sumbong na ito tiyak na mapipilitan na silang lumipat sa kampo ni Mamang Pulis Razon. Get mo Mayor Lim.
Kung ang pag-uusapan ay ang kinabukasan ng Manilenyos sa ngayon, mukhang nasa tamang landas si “Kuya Sonny Razon” dahil sa kanyang magandang pamumuno ng dalawang beses sa MPD, National Capital Region Police Office (NCRPO) PNP at Presidential Adviser on Peace Process. At dahil nga sa patuloy ang paggigirian nina dating Mayor Lito Atienza at Lim sa trono, lalong nababankarote ang kaban ng Maynila. Abangan!
- Latest
- Trending















