All things work together for good

GUEST panelist ako noong Huwebes sa taping ng pro­gramang Dios at Bayan ni Bro. Eddie Villanueva at Kata Inocencion (Bangon Pilipinas senatoriable). Absent si Bro. Eddie dahil sa pamamalat bunga ng kabi-kabilang imbitasyon — anang kanyang kabiyak na Sis. Dory Villanueva. Si Bro. Eddie ang presidential bet ng parti-dong Bangon Pilipinas with former SSS chief Perfecto “Jun” Yassay as his vice presidential running mate.

Tungkol pa rin sa Maguindanao massacre na kumitil sa buhay ng 57-katao kasama na ang 30 mamamahayag ang talakayan. Ang tema, “nanganganib ba ang buhay ng mga mamamahayag?”

Sa aking panig, sinabi ko na bagamat nakakagalit ang pangyayari, may magandang ibinunga ito. Kagaya ng sinasabi ng Biblia na “all things work together for good to those who love the Lord and who are called according to His purpose.” Kumatig naman sa pahayag ko ang ibang panelist na sina Alex Tinsay (Bangon senatoriable) at ang beteranong mamamahayag na si Eric Espina, koluminista ng bulletin at TV newscaster.

Sa pangyayaring ito’y kinumpirma ng Dios ang mata-gal na nating hinala na may malakas at mahirap tina-ging makinarya ng pandaraya sa eleksyon sa Katimugan ng bansa. Makinaryang ginagamit ng mga dirty politi- cians na gustong manatili sa kapangyarihan sa ano mang paraan, sukdulang kumitil ng buhay.

Nagkaroon tayo ng kamalayan kung gaano kalawak ang bulok sa ating lipunan kaya maraming sector ang kabi-kabilang nagdaraos ng mga rally para kondenahin ang pangyayaring ito pati na ang idineklarang martial law ng administrasyon na sa tingin ng marami ay isang “scenario” para makapa­na­tili sa kapangyarihan ang kasalukyang Presidente.

Kapag lubhang malaya ang pamamahayag, tala­-gang nabibingit sa panganib ang mga media practitioners dahil maraming nata­tapakang makapangya­rihang tao. This is a sad price we have to pay for having one of the freest press in the world.

Ang tanong, sino ang da­ pat mangalaga sa seguri­dad ng media people? Ka-ti­watiwala ba ang pulis at military na madalas ding nababatikos ng media? Ang pamamahayag ay hindi lang propesyon kundi bokasyon at misyon. Kung pinili mo ang larangang ito, harapin mo ang kaakibat na panga­nib at ikaw na lang ang gumawa ng karampatang pag-iingat sa iyong buhay.

Sabihin mang “pasa­way” ang mga mamama­ha­yag na sumusuong sa pa­nganib kahit alam nilang malamang ang kapaha­ma­kan, sila ay dapat hangaan at tanghaling bayani. Ma­rubdob nilang ginagam­pa­nan ang tungkuling ma- ging tenga at mata at kung minsan ay boses ng mama­mayan.

Hindi dapat maglubay sa pagmamasid ang taum­bayan lalu pa’t ilang buwan na lang ay halalan na na­man. Kailangang mamuno sa ating bansa yung mga tunay na karapatdapat.

Show comments