^

PSN Opinyon

Maling remedyo

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng dayuhang si G. Chow. Nagpetisyon siya sa korte upang maging Pilipino (petition for naturalization). Bilang katibayan ng kanyang petisyon ipinakita niya ang mga dokumento patunay na nag-aral siya ng high school at college sa UST, mga sertipikasyon galing sa NBI, ipi­nakita rin niya na habang nag-aaral, kumikita siya ng P60,000 kada taon at noong nagtatrabaho na bilang ma­ nedyer sa isang food mart, kumikita na siya ng P720,000 kada taon.Nagsumite rin siya ng medical certificate pa­tunay na normal ang kanyang kalusugan.

Kinontra ng Office of the Solicitor General (OSG) ang petisyon ni Chow. Ngunit hindi ito nagsumite ng sariling ebidensiya at imbes ay kinuwestiyon lang si Chow at      ang kanyang mga testigo.

Noong Setyembre 4, 2003, naglabas ng desisyon ang korte. Tinatanggihan nito ang petisyon ni Chow. Ngunit nang humingi siya ng rekonsiderasyon at ituro sa korte na sapat at hindi mapapasubalian sa mga ebidensiya na napatunayan na niya ang hinihingi sa kanya tungkol sa mabuting ugali, kita at kalusugan, nabago ang desisyon ng korte. Tinanggap si Chow bilang mamamayan ng Republika ng Pilipinas noong Nobyembre 25, 2003. Dala­wang taon pagkatapos ay saka ibibigay sa kanya ang sertipikasyon bilang patunay na Pilipino na siya.

Ang OSG naman ang humingi ng rekonsiderasyon sa korte sa kautusan nito noong Nobyembre 25, 2003. Ngunit tinanggihan ng korte ang mosyon ng OSG noong Pebrero 24, 2004. Sapat daw ang ebidensiyang ipinakita ni Chow upang maging mamamayan siya ng Pilipinas.

Nagsumite ng petition for certiorari ang OSG sa ilalim ng batas (Rule 65 of the Rules of Court) upang mabalik ang orihinal na desisyon ng korte. Inabuso raw kasi ng korte ang kapangyarihan nito. Tama ba ang OSG?

MALI. Upang ituring na inabuso ng korte ang ka­pang­yarihan nito, dapat na talamak ang ginawang pag-abuso at halos kapritso na lang ang sinunod nito sa gi­nawang pagdedesisyon kaya lang masasabing ka­tumbas na ito ng kawalan ng kapang­yarihan sa kaso. Kailangan na halos tuma­kas na ang kor­te sa tung­kulin nito o kaya ay nagma­matigas na ito na ga­ win ang tungkulin na ina­tas. Kaila­ngan na halatang galit o kumakampi na ito sa iba.

Kung ikukumpara, hindi inabuso ng korte ang ka­pangyarihan nito nang ire-konsidera ang orihinal na desisyon. Walang patunay na inabuso nito ang hawak na kapangyarihan. Kung tala­gang may pagkakamali man sa ginawang desisyon, ito’y malamang na pagka­kamali lang sa pag-aanalisa ng ebi­densiya. Ang tawag dito ay “error of judgment” lamang.

Ang remedyo dapat ng OSG ay umapela at hindi mag­petisyon sa kaso (Republic vs. Hao, G.R. 165332, October 2, 2009).

KORTE

NAGSUMITE

NGUNIT

NITO

NOBYEMBRE

NOONG SETYEMBRE

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PILIPINAS

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with