NAGSALITA na ang tanggapan ng punong-bayan ng siyudad ng Pasig na si Mayor Eusebio hinggil sa rekla- mo ng mga biktima ng FRANCON International sa Ortigas, Pasig.
Matatandaang sandamakmak na biktima ang lumapit sa BITAG upang isumbong ang panloloko at panli-linlang ng kumpanyang ito na nagbibigay umano ng franchising business.
Maging si Mayor Eusebio, nalula sa laki ng perang naloko sa mga nabiktima. Simula kuwarenta mil hanggang isang milyong piso ang nabitawan ng mga nagrereklamo para lamang sa pinaghandaan nilang negosyo.
Nauna nang nailapit ng BITAG ang kasong ito sa Department of Trade and Industry na siya namang agad na tumugon at kasalukuyang nakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Security Exchange Commission.
Ang mga ahensiyang ito ang nagtutulong-tulong sa ngayon upang mabigyan ng katarungan ang reklamo ng mga biktima.
Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang tanggapan ng punong-bayan ng Pasig dahil agad ipinatawag ang Busi ness Permit Department ng kaniyang nasasaku-pan at ipinasilip ang FRANCON INTERNATIONAL.
Sa dami ng mga nabibiktima at siguradong may susunod pang mabibiktima, kinakailangang maging agre-sibo ang mga susunod na hakbang lokal na pamahalaan ng Pasig.
Inaasahan ng BITAG na sa lalong madaling panahon, mabisita ang kumpan- yang ito kasama ang aming grupo at mga nagrereklamo.
Dahil matapos kaming imbitahan ng hayupak na kumpanya sa kanilang tanggapan upang sagutin ang mga reklamong ibinabato sa kanila, hindi na nakipagkita ang mga kolokoy.
Maging ang kanilang mga kliyente na kanilang biniktima, dinededma na ang mga reklamo matapos makuhanan ng malaking halaga.
Tuluyan na nga bang matatapos ang maliligayang araw na ito na ayon sa Philippine Franchising Association, hindi naman sa kanila rehistrado.
Abangan!