^

PSN Opinyon

Early Christmas gift

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

PATULOY pa rin ang Supreme Court (SC) sa mga kritikal na desisyon na hindi ma-gets ng taong bayan. Ang latest myterious decision ay ang Quinto v COMELEC kung saan pinawalang bisa ng Hukuman ang mahigit 100 years nang patakaran na nagsasabing appointive officials shall be considered automatically resigned from office upon filing of candidacy. Diskriminasyon daw ito sa mga appointive official at hindi makatwirang pagpabor sa mga elective official. Dahil ang huli’y hindi ituturing na nagbitiw sa posisyon kahit pa man naka­paghain na ng kandidatura.

Ang intensyon sana ng batas ay mapigilan ang pag-abuso ng nakapuwestong opisyal ng kapangyarihan at kayamanan ng posisyon upang siguruhin ang kanyang pagkahalal. Para sa SC, kung pagbigyan ang mga elective official na manatili sa puwesto kahit deklarado nang kandidato, wala daw dahilan upang ang mga appointed official ay hindi rin pagbigyan. Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang klase ng opisyal?

May pinagkaiba. Malaki. Una: Ang mga halal ay iniluk­lok para sa isang buong termino. Katungkulan nilang gampanan ang obligasyon ng puwesto hanggang mata­pos gaya ng ipinangako sa bayan. Pangalawa: Ang mga appointed official ay ipinagbabawal ng batas na makilahok sa anumang partisan political activity. Paano mapana­natiling patas ang pananaw ng isang kawaning inuuna ang sariling interes sa interes ng bayang pinaninilbihan?

Sa ginawa ng SC na pagpapahalaga sa karapatan ng mga kandidato, nasalaula naman ang interes ng Estado na magkaroon ng maayos at patas na labanan sa elek­syon. Parang hinatulan ng SC ng kamatayan ang ideya ng FAIR PLAY. Pinantay nga ang dalawang klase ng opisyal. Ang problema, pantay naman sila sa pagkaka­taong malamangan ang pobreng mga ka­laban.

Isa pang unfair na re­sulta ng desisyon ay ma­aring manatili pa rin sa puwesto ang opisyal ka­hit tumakbo na ito at na­talo. Isa pa itong si­gu­ra­dong pangga­ga­lingan ng abuso. Wala na ngang delikadeza nang tumak­bo, ano pa kaya sa nati­tirang bu­wan at kalahati bago magturn- over sa bago? Napaka­agang Christ­mas Gift naman nito.

Remedyo na lang na­ tin sa ngayon ay ban­tayan ng mabuti ang mga hindi bibitiw sa puwesto kahit pa man nagdeklara na. Itutok ang pinagsama nating mapanuring mata upang siguruhing hindi m­ a­waldas ang kaban ng bayan. Mabuti pa, mag­labas na tayo ng lista­han ng kanilang pa­ngalan. Ito ang gawin nating sample ballot ng hindi susupor­tahan sa Halalan 2010.

ANO

DAHIL

DISKRIMINASYON

HALALAN

HUKUMAN

ISA

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with