^

PSN Opinyon

Buhay, Kalayaan at Pag-aari

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAIBABA na sa Qualified Theft ang kasong kina­sang­kutan ng isang katulong na nabiktima ng Dugo-Dugo Gang, may isang buwan na ang nakalilipas.

Matatandaang lumapit sa BITAG ang mga kapatid ng 19 anyos na kasambahay na ngayo’y nakapiit pa rin sa National Bureau of Investigation.

Matapos madesisyunan ng isang fiscal sa Muntinlupa ang kasong isinampa ng amo sa katulong na Robbery at Qualified Theft, isa na lamang ang kaso nito.

Subalit ang problema, walang piyansa ang kasong ito. Dahil ayon sa among nagrereklamo, halos walong daang libong piso ang mga nakuha sa kanilang kuwarto.

Ang mga pera’t alahas nga na ito ang naibigay ng ini­rereklamong katulong sa miyembro ng Dugo-Dugo na nagssabing naaksidente nga ang kaniyang amo.

Nakakagulat para sa simpleng tao lamang, Qualified Theft lamang ang kaso subalit walang piyansa.

Nasasaad sa Memorandum Order No 177 ng Department of Justice at pirmado rin ng pangulong Gloria Arroyo, kapag ang mga ninakaw na pag-aari ay umabot sa halagang limang daang libo pataas, wala itong kau­kulang piyansa.

Ayon kay Atty. Freidrick Lu ng Philippine Christian University Law School, maaaring naging batayan ng DOJ na maibsan ang pagdami ng mga krimeng papasok sa Qualified Theft.

Isa umano itong babala sa mga suspek na hindi lamang nila basta-basta matatakasan ang kanilang ginawang krimen.

Subalit ayon naman sa isang Assistant State Prosecutor ng DOJ na tumangging magpakuha sa camera, nilalabag nito ang Bill of Rights na nakasaad sa ating konstitusyon.

Nakasaad doon na wa­ lang sinuman ang ma­aaring pagkaitan ng bu­hay, kalayaan at ari-arian. Sa pagkakasunod-sunod pa lamang ng pagkaka­sulat sa mga nabanggit na element, makikita na ang kahalagahan nito.

Na ang buhay ay mas mahalaga sa kalayaan at ang kalayaan ay mas ma­halaga sa ari-arian.

Kinokontra ng Memorandum 177 ng DOJ ang bagay na ito dahil pinag­kakaitan ng kalayaan kahit pansamantala la­mang ang isang suspek na gumawa ng krimen dahil sa pag-aari lamang.

Nakatutok pa rin ang BITAG sa kaso ng kasam­bahay na ito kung saan nasa korte na nililitis ang kanilang kaso.

ASSISTANT STATE PROSECUTOR

BILL OF RIGHTS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DUGO-DUGO GANG

FREIDRICK LU

GLORIA ARROYO

MEMORANDUM ORDER NO

QUALIFIED THEFT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with