NGAYON ang Bagong Taon K sa liturhiya nating mga Kristiyano. Adviento o Panahon ng Pagdating. Tayong mga mananampalataya sa Panginoong Diyos ang matuwid sa sanga ng lahi ni David. Manalig tayo sa Kanya sapagkat paiiralin niya tayo sa katarungan at katwiran. Palalaguin at papapag-alabin ang pag-ibig sa bawa’t isa sa atin.
Ang Adbiyento ay ang paghahanda sa darating na Pasko, ang kaarawan ni Hesus sa sandaigdigan. Dumating na Siya mahigit na ang dalawang libong taon na ang nakalipas. Ngayon naman ay paghandaan natin ang muli Niyang pagbabalik. Sinabi ni Hesus: “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan at mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat”.
Ang mga tanda na ipinahayag ni Hesus ay nasaksi-han na natin nitong nakaraang Sept. 26, 2009 sa pagsalakay ng bagyong si Ondoy at ang pabalik-balik na unos ni Pepeng nitong nakaraang unang linggo ng Oktubre. Idinagdag pa ayon kay Lukas na “kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na nito. Magalak kayo sapagka’t malapit na ang pagliligtas sa inyo.” Magsisi tayo sa mga nagawa nating kasalanan at magpakabuti. Huwag tayong magumon sa katakawan, paglalasing at kasakiman sa mga material na bagay. Baka dumating na naman ang unos ng mga baha at hindi tayo handa.
Manalangin tayo tuwina sa Panginoon upang muli Niya tayong iligtas sa kapahamakan. Siya mismo ang nagturo sa atin: “Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyaya-ring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”
Idalangin natin kay Hesus na patawarin tayo sa Kanyang darating na Kaarawan. Muli tayong humiling sa Kanya na ipaghanda tayo ng kapayapaan sa Kanyang nilikhang kalikasan.
Jer 33:14-16; Salmo 24; 1Tes 3:12-4:2 at Lk 21:24-28, 34-36