Justice for journalist et al

KATARANTADUHAN este mali katarungan pala ang sigaw ng madlang people sa Philippines my Philippines hinggil sa karumaldumal na pagpatay sa mga mama­mahayag at pamilya, abogado, suporter ni Vice Mayor Toto Mangudadatu.

Isinisigaw din ng Alyansa ng Filipinong Mamahayag o AFIMA ang ‘JUSTICE FOR JOURNALIST’.

HIndi biro ang nangyari sa patayan blues dyan sa Maguindanao kasuklay-suklay este kasuklam-suklam ang ginawa walang awa parang hindi nilikha ng Dios ang may gawa kundi mga galamay ni Satanas ang mga ito.

Nadisgrasiya ang mga kabaro natin para lang makakuha ng balita sa gagawin filing of candidacy ng watot ni Vice Mayor Toto.

Sabi nga, hindi pinatawad!

Gigil na gigil ang mga gago at mistulang mga high sa drugs na niratrat ang grupo ng journalist walang itinirang buhay sa kanila.

Ika nga, tinodas lahat pagkatapos ay ibinaon pa sa lupa.

Mahirap talagang patawarin ang mga gagong gumawa nito kahit si Lord sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay hindi rin sila mapapatawad.

Talk of the world ang ginawang massacre sa Ma­guin­danao kaya naman sikat na sikat ang Philippines my Philippines sa mga banyaga dahil ito ngayon ang number 1 sa pinaka-delikadong place para sa mga journalist kaya naman nagbubunyi ang mga taga - Iraq dahil pumangalawa lamang sila sa honor giving. Hehehe!

Kung may ‘POLITICAL WILL’ ang gobierno dapat nilang ipa-TOTAL BAN ang lahat ng uri ng armaments sa Min­danao dahil kung pakaang-kaang pa ang mga ito tiyak dadanak pa ng dugo hindi lang sa Mindanao kundi maging sa buong kapuluan kasi nga kalat ang pamilyang Ampatuan at Mangudadatu kasama siempre ang kanilang mga loyal supporter sa Republic of the Philippines.

Mas maganda na huwag ng makialam ang mga pol­itiko sa Senado at Kongreso para magsagawa ng im­bestigasyon tungkol sa patayan blues.

Mainam na gumawa ng isang ‘INDEPENDENT FACT FINDING COMMITTEE’ ang pamahalaan para sila ang mag-investigate sa massacre.

Ika nga, ‘grandstanding’ pa ang mangyayari.

Sabi nga, pasikatan blues pa!

Season kasi ng mga politiko ngayon dahil mag-eeleksyon kaya kapag sila pa sa Senado at Kongreso ang bubusisi sa patayan blues tiyak parang pelikula ang mangyayari.

Ika nga, kampihan!

Kaya nananawagan ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Prez Gloria Macapagal Arroyo na habang maaga ay gumawa na ito ng independent body para magkaroon ng tunay na investigation sa karumaldumal na patayan sa Maguindanao.

GMA, please huwag ng mga politiko ang kumalkal sa kaso.

Anim sa mga mamamahayag na pinugutan ng ulo ay mga kasapi ng Afima. Sila ay kinilala na sina: (1) Victor Nuñez ng Region 12 UNTV; (2) DMac Delbert Ar­riola, cameraman; (3) Ian Subang; (4) Gina dela Cruz; (5) Leah Dalmacio; at (6) Maritess Cablitas.

Ang kasama nilang mga namatay ay kinilala na sina Daniel Tiamzon, Julito Evardo, Bong Reblando, Bart Ma­ravilla ng Bombo Radyo Koronadal City, Ne­neng Mon­tano ng DXZP, Joy Duhay, Andy Teodor, Henry Araneta ng DZRH, at Jimmy Cabillo.

Sa kuento ni Joseph Jubelag, pangulo ng Afima sa General Santos City, siya at ang tatlo pang kasama ay ga-buhok na nakaligtas sa bingit ng kamatayang sinapit ng mga kasamang pinugutan ng ulo.

Ayon kay Jubelag, siya at ang tatlo pang kasama ay nasa isang sasakyan na sasama rin sa grupo na nag-convoy para i-cover ang pagsasampa ng certificate of candidacy ni Toto Mangudadatu para sa pagka-go­ber­nador ng lalawigan ng Maguindanao sa pagsapit nila sa Tacurong City, dumaan muna sila sa kanilang hotel para kunin ang mga nakalimutang gamit.

Pagdating sa hotel, binulungan sila ng empleyado nito na may pumunta raw na dalawang armado na naka-motorsiklo at nagtatanong kung sinu-sino ang mga taga-media na natulog doon.

Pagkadinig nito, nagdesisyon sina Jubelag na bumalik sa bayan ng Buluan, Maguindanao para sabihin kay Vice Mayor Toto Mangudadatu ang kanilang nalaman.

Hindi pa sila nakarating sa Buluan at nalaman nila kay Mangudadatu na na-hostage na pala ang mga journalist at ang kanyang asawa at mga kapatid na babae.

‘Puede bang ipagpa-bukas ang katarungan para sa mga pinatay?’ Tanong ng kuwagong inapi.

‘huwag balewalain ang iyak ng katarungan’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Ano ang mabuti?’

“JUSTICE FOR JOURNALIST ET AL!

Abangan.

Show comments