KATAKUTAKOT na batikos ang ibinato ni Sen, Jamby Madrigal sa “bagong luto at mainit-init pa’ng” Villar-Loren tandem. Nawalan siya kasi ng kakampi sa pagdidiin kay Sen. Manny Villar sa mga kontrobersyang C-5 at double insertion. Kaso, 12-senador na ang pumirma ng resolusyon para maabsuwelto si Villar. Pero may mga pagtatangka pang harangin ang resolusyong ito kaya mag-abang na lang tayo ng further development.
Inamin ni Loren na kahit nanguna siya noon sa pagpapaimbestiga kay Villar, napatunayan niyang klaro sa kaso ang Senador kaya sumusuporta na siya kay Villar ngayon. Well, sabi nga – politics make strange bedfellows.
Well, the Villar-Loren tandem came as no surprise. Noon pa sinasabi ni Villar na ang kanyang kukuning kapareha ay “maganda at makakalikasan.” Guest candidate lang si Loren porke nananatili siyang kasapi ng Natio-nalist People’s Coalition (NPC).
“Alyansang Maka-Tao at Maka-Kalikasan” ang battle-cry ng Team Villar-Loren sa pinagsanib na lakas ng Na cionalista Party (NP) at Nationalist Peoples’ Coalition (NPC). Si Villar daw ay na-attract sa environment advocacy ni Loren at ang huli naman ay bilib sa advocacy ni Villar para sa OFWs. Naka-focus daw sa pag-aahon sa maraming Pilipino sa kahirapan, pagpapabuti sa kalidad ng edukas-yon sa bansa, at pagpapaabot sa lahat ng serbisyo-publiko, kabilang ang health care at livelihood support.
Si Loren, ang may-akda ng Clean Air Act at Solid Waste Management Act. Siya rin ang founding chair ng environmental organization na Luntiang Pilipinas at Asia-Pacific Region Champion ng United Nations pagdating sa Climate Change Mitigation at Disaster Risk Reduction.