^

PSN Opinyon

'Me tonsillitis po ako'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dr. Elicaño, simula pa noong pumasok ang ber months ay lagi na lang akong may sore throat. Nang silipin ko ang aking tonsils, namamaga ang mga iyon. Namumula. Hanggang sa hindi na ako maka­lunok at paos na paos ang aking boses. Ano po bang sanhi ng pamamaga ng tonsils? Ano po bang gamot dito?—LUZ M. SANTOS, M. Earnshaw, Sampaloc, Manila

Salamat sa pag-e-mail mo Luz.

Ang pamamaga ng tonsils ay sanhi ng streptococal bacteria. Bukod dito, puwede ring sanhi ito ng viral infection. Ang tonsils ay ang dalawang maliit na lymphoid tissue na matatagpuan sa magkabilang gilid sa likod ng bibig. Tinatawag itong palatine tonsils. Mayroon ding dala­wang pares ng tonsils na nasa ilalim ng dila “ tinatawag na lingual tonsils samantalang ang adenoids na nasa likod ng ilong ay tinatawag na pharyngeal tonsils. Ang mga ito ay nagsasanggalang laban sa infection.Batay sa mga sinabi mo, mayroon kang tonsillitis. Ang pagkakaroon ng sore throat, hirap lumunok, pagkapaos ng boses, pagka­ka­roon ng lagnat at pananakit ng tainga ay mga sintomas ng tonsillitis. The tonsils are usually swollen and white in appearance, due to infected material exuded from them and lymph glands in the neck are enlarged. There is malaise and loss of appetite and, rarely, an abscess may develop on a tonsil.Kinakailangang sumailalim sa dagliang pagpapagamot ang may tonsillitis. Nararapat magpahinga at uminom nang maraming tubig. Dahil ang tonsillitis ay bacterial infection, kailangang gamutin ito sa pama­ma­gitan ng antibiotics gaya ng penicillin o erythromycin. Maaari rin gamitin ang analgesics para mawala ang pana­nakit.In some cases, a child may suffer recurrent bouts of tonsillitis, or the tonsils or adenoids may become    per­manently enlarged so that breathing is affected. Kung mangyayari ito, kina­kaila­-ngan ang operasyon upang tanggalin ang tonsils at adenoids.

In the past, tonsillitis often preceded rheumatic fever or inflammation of the kidneys but due to the advent of antibiotic drugs and improve-ment in living conditions, this is now much less common. Throat swabs from family mem­ bers may also be cultured so that those who are infected with the same type of bacteria but have no symptoms (sym­ptomless carriers) can also    be identified and treated.

ANO

BATAY

BUKOD

DAHIL

DR. ELICA

EARNSHAW

HANGGANG

SHY

TONSILS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with