^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nararapat igisa ang Road Board

-

HINDI na nakapagtataka kung mayroong mga sasakyan na nahuhulog sa bangin o kaya buma­bangga sa railings. Ito ay dahil walang nakalagay na barriers o harang o mga babala. Huli na para ma­pansin at makaiwas sa aksidente. Ang paglalagay ng barriers o mga signages sa lansangan ay narara­pat sapagkat may pondong nakalaan. Kinukuha sa road user’s tax na nanggagaling naman sa mga nagpaparehistro ng sasakyan. Nagsimula ang pag­kaltas sa road user’s tax noong 2000.

Sa Metro Manila, makakakita ng mga aspaltong nabakbak at nagkalubak-lubak, walang road signs, walang reflectorized device, pundido ang mga ilaw sa intersections, kupas na ang puting guhit sa kalsada at marami pang iba. Subalit, meron din palang ganito sa probinsiya. Sa Davao City may mga kalsada na sinimulang bakbakin pero basta na lang inabando-na. At ang dahilan, wala raw pondo. Mayroon ding kalsada sa Mindanao na sinimulang aspaltuhin subalit itinigil dahil wala na raw pondo. Kaya ang nagsasa­kripisyo ay mga motorista at mamamayan.

Nasa kontrobersiya ngayon ang mga miyembro ng Road Board na namamahala sa pondong nang­ga­ling sa road user’s tax na kinakaltas sa mga nagpa­-pa­rehistro ng sasakyan. Paano’y hindi maipaliwa­nag kung saan napunta ang P60.5 billion na pondo na dapat ay gagamitin sa improvement ng mga kal­sa­da at ganundin para sa pagsasaayos ng drainage systems. Saklaw din ng road user’s tax ang pag­­la­lagay ng barriers sa mga gilid ng bundok o bangin     para mapigilan ang pagkahulog ng mga sasakyan. Ngayong taon na ito, maraming pampasaherong bus ang nag­dayb sa bangin at kumitil sa buhay ng mga pasahero. Kung meron sanang barriers sa mga gilid ng kalsada o bangin, walang nasayang na buhay.

Sinira ng Road Board ang batas. Ang pondong nakalaan para sa pagsasaayos ng kalsada at iba          pa ay hindi maipaliwanag kung saan napunta. Ibinul­gar ni Sen. Miriam Defensor Santiago na ang mga miyembro ng Road Board ay si dating DPWH secretary Hermogenes Ebdane at si Rodolfo Puno, bilang executive director. Nag-iimbestiga na ang Senado.

Nararapat na igisa ang mga taong nasa likod ng kuwestiyunableng pondo. Sinimulan ni Santiago   ang paghalukay at dapat na hindi na tigilan ang pag­ka­lukay dito. Kapag walang nakitang katotohanan sa isyung ito, marami ang mawawalan ng tiwala sa gob­yerno. Maraming madidismaya at ang pagka-dis­maya ay masama ang ibinubunga.

HERMOGENES EBDANE

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

ROAD

ROAD BOARD

RODOLFO PUNO

SA DAVAO CITY

SA METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with