^

PSN Opinyon

Pichay, VP ni Gibo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

 MUKHANG masisisid ang maraming lider ng administration party, lalo na sa anay este mali hanay pala ng mga governor at mayor,  na si LWUA Chairman Prospero ‘Butch’ Pichay, Jr., ang opisyal na ideklarang kandidato ng kanilang grupo sa pagka-Vice Prez sa darating na May 2010 election.  

Ang paghangad ng administration party members na si Pichay, na dating kongresista at ngayon ay Lakas Kampi chairman for membership, recruitment and arbitration, ay higit na matunog sa buong Mindanao dahil ma­tagal nang mithiin ng mga lider sa nabanggit na lugar na magkaroon din sila ng Pangulo o Vice-Prez ng bansa ang kanilang religion este rehiyon pala.  

Sabi ni BI Commissioner Marcelino Libanan, matingkad at kapuri-puri ang mga nagawa o accomplishments ni Pichay sa la­ra­ngan ng serbisyo publiko, sa Kongreso at kanyang lalawigan at maging sa Philippines my Philippines, partikular sa imple­mentasyon ng water program ng gobyerno at maging sa larangan ng isports.

Si Libanan, kasama si Rep. Tony Kho ng Masbate, ay ilan lamang sa mga lider-politiko at local officials na nagsusulong sa tinawag nilang BP4VP sa 2010 para sa totoong  Serbisyo Pinoy.

Kanilang binanggit ang mahigit sa 300 water service facilities na nadagdag sa buong bansa sa kulang-kulang na dala­wang taong panunungkulan nito sa LWUA. Ang nasabing accomplishment ni Pichay ay katumbas ng halos dalawampung taon panunungkulan ng mga naunang pinuno ng nasabing ahen­siya.  

Ayon kay Kho, maging sa larangan ng isports ay naka­paglikha ang liderato ni Pichay sa federation of chess organizations sa bansa ng pitong grandmaster na Filipino na kinilala sa buong mundo sa loob ng tatlong  taong panunungkulan nito kumpara sa anim na grandmaster lamang na nalikha ng mga naunang lider sa National Chess Federation of the Philippines.

Nagpahayag din ang ilang local leaders na miyembro ng Lakas Kampi tulad nina mayors Ruel Benisano ng Balud, Masbate; JV Bernos ng La Paz, Abra at Joseph Llopis ng Ca­lauyan, Cagayan na dapat itigil na ng kanilang partido ang pag­hahanap ng bise presidente sa labas ng Lakas Kampi sapagkat mas matingkad pa ang track record ni Pichay at ang kanyang kakayahang maglingkod na pangalawang pangulo kaysa mga kinukonsidera na ka-tandem ni Defense Sec. Gilbert Teodoro.

Walang hoarding, price manipulation meron

SANGREKWA ang gasolina sa Philippines my Philippines at hindi kayang ubusin ito kaya tama ang sinabi ng isang bright official dyan sa Department of Energy na ‘don’t panic’ kaya natin ito.

Tinatakot kasi ng giant three players ang gobierno ni Gloria para tanggalin ang Executive Order na pinirmahan ni GMA para tagubilinan ang mga oil companies na huwag ratratin ang presyo pataas dahil hindi na ito makakayanan ng madlang peo­ple lalo’t iyong mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MSIMO, kaya nagkukulang ang supply ng gasolina sa ibang places ay dahil ayaw kumuha o bumili ng mga retailer gasoline owner mula sa kanilang  imported supplier.

Bakit?

Sagot-walang kita.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang market price ng gasolina ngayon ay P28.00 per liter ganito rin ang presyo daw na ibinebenta sa kanila ng giant oil companies.  Paano nga naman sila kikita?

Ang masama pa todits ang mga retailer pa ang makaka­suhan at malaman makansela ang prangkisa sa pagbebenta ng mas mahal.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang dahilan kung bakit walang ibinebentang gasolina sa ibang gasoline station.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ilalim ng Philippines my Philippines Constitution puedeng supalpalin ng gobierno ang giant firms.

Sabi nga, alaws magagawa ang mga tekamots!

Kung pipilitin naman ihinto ang pag-rasyon ng gasolina ng imported companies puede rin alisan sila o sipain sila palabas ng Republic of the Philippines.

Kung ang gobierno naman ang siyang magpapa-import ng gasolina sa ibang bansa wala naman batas.

Ano ang mabuti? Gumawa ng batas!

Ang problema matagal at mag-eeleksyon na at saka ang importante sa lahat ang ‘lobby funds.’

Abangan.

CHAIRMAN PROSPERO

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DEFENSE SEC

LAKAS KAMPI

PHILIPPINES

PICHAY

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with