Cha-cha ni Legarda

“SINO ba ang makikinabang kapag nagawa ang kalyeng ito? Siempre tataas ang presyo ng mga properties malapit doon. Dapat masagot ang katanungang ito para hindi na maulit.” Vested interest. Ito ang paha­yag ni Sen. Loren Legarda nang sinuportahan niya ang im­bes­tigasyon laban kay Sen. Manny Villar sa iskan­dalong DOUBLE INSERTION ng P200 million sa C-5 Road Project. 

Maraming nagbalik-tanaw sa isyung ito nang mapa­balitang nagpapasuyo si Sen. Loren kay Sen. Manny para sa 2010. Kapag matuloy ang Villar-Legarda tandem, kailangang ipaliwanag ni Sen. Legarda ang kanyang pagbabagong isip.

Hindi pa natatapos ang report ng Senate Committee of the Whole (SCOW) sa C-5 anomaly. Walang siniputang hearing si Sen. Villar. Sa rekord ng Senado, tanging ang mga paratang ni Sen. Jamby Madrigal at ng mga testigong humarap sa SCOW ang nakatala. Si Sen. Legarda ay aktibong nakilahok sa mga imbestigasyon ng iba’t ibang lupon ng Senado. Wala man lang katiting na paliwanag si Sen. Villar sa sarili nitong insititusyon. Ang pag­pasya ni Sen. Loren sa isyung ito ay magsisilbing pagsu­bok ng kanyang paninindigan.

Bawat Pilipinong naghahangad manilbihan ay may karapatang kumandidato. Hindi naman kondisyon ang pagsapi sa partido o ang tumambal sa running mate kung hahabol sa pagka-bise. Ang pag-team up ay konsideras­yon lamang upang maiangat ng magkatambal ang kani­lang tsansang magwagi. Hindi ito dapat gamiting dahilan upang hayagang talikuran ang panindigang nauna nang pinabatid sa publiko. Lalo na ng isang opisyal na utang sa milyon-milyong Pilipino ang kasalukuyang puwesto.

Mahihirapan si Sen. Legarda na pangata­wa­ nan ang isang Villar team-up. Para na­man niyang sinabitan ang sariling leeg ng mabigat na bato – um­pisa pa lang ng kampanya ay nagpa­pa­liwanag na siya kung bakit siya bumaligtad. Urong sulong – parang CHA-CHA! Tulad ni Sen. Escudero, maari na­ man siyang tumakbo ng walang ka-partner. Tutal may par­ tido naman siya. Kung ka­ilangan niya ng katambal, marami pang ibang nag­hahanap. 

Erap-Jojo. Noynoy-Mar. Gibo-Vi-Bong-Gwen. La­hat magkatugma ang pa­­niwala. Laking partida sa mga Bise kapag maging Manny-Loren at tulu­yang isakripisyo ni Sen. Le­gar­da ang paninindi­gan sa ngalan ng hangaring mag­tagumpay.

Show comments