HAP CHAN

OPEN sa franchising ang Hap Chan Trading and Management Corporation sa bago nilang office dyan sa 937 EDSA QC, para sa lahat ng mga gustong magtayo ng ganitong klase ng negosyo.

Maaring tumawag sa mga telepono 411-61-86 o 411-61-85.

X-MEN, ingat

NAGPAKITANG gilas at naka-score ulit ang joint special intel team ng PNP at NBI dahil nakapa at napasok nila ang hideout ng Alvin Flores gang dyan sa isang barangay sa Plaridel, Bulacan.

Nakuha ng intel team ang matataas na boga, car plates, uniporme at iba pang incriminating evidences na magpapa-kalbo este kalaboso pala sa mga galamay ni Flores.

Kaya naman saludo tayo at siempre congratulations PNP Chief Jess Verzosa at NBI Director Nestor Mantaring sa walang tigil, sipag at tiyaga pa mabuwag ng husto ang criminal elements sa isla ng Philippines my Philippines.

Bago makalimutan ng mga kuwago ng ORA MISMO, saluduhan natin sina PNP intel chief Eugene Martin at NBI intel chief Ruel Lasala sa walang kapaguran at tiyagang pagtik­tik sa grupo ni Alvin.

Ang mga evidence na nakuha sa safehouse ng grupo ni Flores ay magiging proof ng crime ng mga organized crime syndicates.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iyong mga hidding ay makakalawit na sa pamamagitan ng valid arrest warrants.

Sabi nga, kahit saan sila nagtatago!

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito palang si Alvin ay pinasikat lang ng husto ng ibang mga tamad na operatives as one among the ‘usual suspects’.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng pasukin ang Rolex store sa Greenbelt 5 ay nagma-mahjong ang official ng PNP na kung tawagin ay si Boycctv sa kanyang office dyan sa Bicutan. 

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, narinig ni Boycctv ang balita habang pabunot ito ng pitsa ng mahjong. Nagkataon naman flores ang nabunot na pitsa kaya napasigaw itong si Alvin Flores yan.

Tuloy pa rin ang pagma-mahjong ni Boycctv kaya ng matapos ito ay saka nagbigay ng statement na grupo ni Alvin Flores ang tumira ng Rolex store kahit alaws pang concrete evidence. Hehehe!

Actually, up to now puro bilang lang ng mga kaso na ipinatong ni Boycctv sa grupo ni Flores.

Ano ang accomplishment ninyo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga susunod na araw ay mabubunyag ng husto ang modus operandi ng mga organizes crime groups.

Sangkaterba pala ang members nito na mga ex-military at police kaya sa underworld, ang tawag sa kanila ay ‘X-MEN.’ kaya iba ang talent nila pagdating sa mga plano at mag-execute sa paggawa ng crimes dahil iba ang training.

Tulad noon sa Parañaque shootout may ex-Scout Ranger ang napatay kaya ang ating mga law enforcer ay maingat sa pagtugis sa mga ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gumaganti rin sila pag-nalagasan ang grupo nila sa mga involved operating teams.

Ika nga, tira dito, tira doon!

Kaya pala ang mga special intelligence teams ay maingat sa kanilang mga identities.

Sabi nga, to protect them from the future retaliation.

‘Paano si Boycctv puro mahjong na lang ba ang gagawin nito aba christmas season na baka lalong lumala ang mga krimen sa Metro-Manila?’ Anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Baka puede na itong sibakin sa kanyang puesto General Verzosa?

Abangan.

Show comments