Bagong insurance health plan pinagkakaguluhan ng Pil-Ams'
HATI-HATI ang Pil-Ams kung papanigan o lalabanan ang malapit nang ma-aaprubahang Democrats health care overhaul plan sa US House of Representatives. Patuloy pa ring pinagkakaguluhan ang pagtatalo sa bill. Pinangungunahan ng Republicans ang protesta upang patayin ang panukala. Mainitang pinag-uusapan ng US-Mexicans, Pil-Ams at iba pang may problema sa illegal immigration sa US ang tungkol sa bill na ito.
Tungkol sa coverage ng bagong insurance health plan, marami na ang maisasamang dependents na mai-insured kahit na illegal immigrants. Dati-rati, kahit na bayaran pa, hindi maaaring maisama ang sinumang dependents sa insurance coverage kung ang mga ito ay illegal immigrants. Hindi na maitatago ang bagay na ayon sa records and statistics, marami sa mga illegal aliens ay galing sa Mexico, Philippines at iba pa.
Lumalabas na ito ang dahilan kung bakit maraming may gusto sa panukala. Malaking sakit ng ulo ng mga breadwinners kapag nagkakasakit ang kanilang mga dependent na hindi kasama sa kanilang insurance coverage. Hindi nila malaman kung saan kukuha ng maibabayad sa doktor, hospital at mga gamot. Sa bagong health insurance system, para na silang tumama sa lotto kung may pera silang pambili ng tiket.
Ang mga umaayaw sa nasabing bill ay madadagda-gan naman ang ibinabayad nila para sa insurance plan. Kung mangyayari ito, malaki rin ang ibabawas sa kanilang suweldo na karamihan sa kanila ay kulang na kulang pa nga ang naiuuwing pera sa bahay upang ipambayad sa kanilang mga bayarin buwan-buwan. Mahalaga ang isyung ito sa buhay ng Pil-Ams at ganundin sa mga nasa Pilipinas mismo. Sigurado ako na ang mga nasa Pilipinas ay makikinabang dito. Maraming umaasa sa mga Pinoy na nasa Amerika o kalabisan nang sabihin na nakadikit ang kani-lang bituka sa mga kamag-anak na nasa Amerika. Apek-tado ang isa’t isa kapag may nangyari sa buhay.
- Latest
- Trending