^

PSN Opinyon

Mga pagharang sa kandidatura ni Erap

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAPAG-USAPAN namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Em­ploy­ment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ang iba’t ibang pakana ng ilang grupo upang harangin ang kandidatura ni Presidente Erap sa 2010.

Hindi pa nga siya naghahain ng certificate of candidacy ay nag-file na agad kamakailan ng disqualification petition laban sa kanya si Atty. Oliver Lozano. Ibinasura naman agad ng Comelec ang petisyon ni Lozano dahil ito ay wala pa sa panahon para pag-usapan.

Naghain na rin si Lozano noong 2005 ng pekeng impeachment complaint laban kay Ginang Arroyo upang isabotahe ang tunay na impeachment case na nakabase sa mga konkretong ebidensya ng talamak na korapsyon at dayaan sa 2004 election.

Ayon sa mga impormasyon, si Lozano ay may reputasyong “ambulance-chasing lawyer,” na ang ibig sabihin ay gumagawa ng kung anu-anong gimik upang makahanap ng mga magbabayad sa kanya.

Halos lahat ng ating mga kababayan ay ­si Lozano sa kanyang disqualification petition, pero sa likod ng pang­ya­yaring ito ay malinaw nating nakikita ang desperadong pagkilos ng ilang grupo na gawin ang lahat upang hadlangan ang pagbabalik ni Erap sa pamumuno ng ating bansa. Sabi nga ng mga political observer ay patikim pa lang ang ginawa ni Lozano, at tiyak na napa­karami pang ibang pakana ang gagawin ng mga gru­pong ito laban kay Erap.

Mayorya sa taumbayan ay naniniwalang “binaya­ran” ng Malacañang si Lozano noong 2005 impeachment, at ganito rin umano ang mangyayari sa 2010 election.

Sa mga gustong lumi­ham kay Senate President Pro Tem­pore Jinggoy Ejer­cito Es­trada, ipadala ito sa kanyang tang­gapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.

vuukle comment

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

ERAP

GINANG ARROYO

HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY EJER

LABOR AND EMPLOYMENT

LOZANO

OLIVER LOZANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with