TAPOS ang color life at bloody career ni Alvin Flores kasama ang ilan pang trusted men nito matapos maka-kuarto este mali enkuentro pala ang joint Philippine National Police Intelligence team at National Bureau of Investigation agents sa Compostela, Cebu last Thursday night.
Isa sa mga alagad ni Alvin ang nabuhay kaya naging singer career nito ngayon at hindi na notorious holdaper dahil kumakanta na ito ng kung anu-anong songs na wala sa tono para ipaalam sa mga arresting officer ang totoong nangyari sa Greenbelt 5 robbery at iba pang nakawan sa National Capital Region.
Ika nga, bantay sarado ang kamote.
Tanong-Ano ang naging susi sa tagumpay ng ating law enforcement agencies sa pagkalawit ng mga teka mots?
Sagot-a. inter-agency cooperation. b. unselfish intelligence sharing! Ang dalawang bagay na ito ang naging susi ng tagumpay sa war against crime sa Island of the Philippines my Philippines.
May secret deal kasing nangyari at marami ang hindi nakakaalam na pa-bright-bright dyan sa PNP na gustong mag-laglag kay PNP Chief Jess Verzosa na nag-uusap sila ni NBI Director Nestor Mantaring at madalas ang ugnayan nila regarding sa peace and order situation sa pamamagitan ng National Law Enforcement Coordinating Council.
Ang hindi alam ng madlang people at ibang bright official sa PNP noong CIDG Director si Jess ay walang tigil ang manhunt operations laban sa mga organize crime syndicates at mga kontrobersyal na kaso sa pakikipagtulungan sa NBI.
Ika nga, magkasanggang dikit si Jess at Nestor!
Sabi nga, kung ano ang puno siya ang bunga!
Dahil magkadikit sina Jess at Nestor ay naging solid naman as in ‘the rock’ ang samahan ng Intel networking nina Atty. Ruel Lasala, NBI at Chief Supt. Eugene Martin.
Hindi kasi sila nagsa-swapangan sa intelligence sharing at exchange of notes ang joint-intel teams lalo’t may malaking trabaho tulad ng kay Alvin Flores.
Sabi nga, automatic activated ang mga trusted people ng dalawang official.
HIndi pa tapos ang operation ng PNP-NBI Intel dahil sangkaterba pa ang hahabulin nilang mga kriminal sa darating na mag-asawa este mali araw pala sa Republic of the Philippines.
Sabi nga, kahit saan magtago ang mga ulol hahanapin ng mga bida.
Ang Joint Task Force ng PNP at NBI intel ay hindi mga credit grabbers!
Magkakaroon ng isang malaking problema sa NCRPO mukhang magiging malungkot ang kanilang christmas dahil ang mga halimaw na criminal ay sa province muna magpapalamig.
Sabi nga, General CCTV, magtrabaho ka at huwag manisi sa kakulangan ng accomplishment mo.
Abangan.
MIAA ready sa Oplan Kaluluwa
NAKAHANDA at siempre hightened alert ang mga taga-MIAA partikular ang nakatalaga sa medical, operation at mga Airport police at PNP dahil alam ni MIAA general manager Al Cusi na dadagain este mali dadagsain pala ng mga papaalis na pasahero ang paliparan today and tomorrow.
Sabi nga, hudas este undas kasi!
No leave sa mga pulis sa paliparan kailangan kasing maging ready sila sa anuman mangyayari dito kung mayroon man.
Ang mga doctor at medical staff sa airport ay always on the go ngayon sa pagmonitor sa mga carrier ng AH1N! na mga passenger going out or coming in sa NAIA.
Bukod dito, handa rin ang mga maintenance crew sa airport regarding sa bagyong si Santi baka kasi magka-problema sa paliparan tulad ng pagbaha noon bagyong Ondoy dyan sa may perimeter fench.