Beauty Tips para sa nagtitipid

(Part 1)

NAPAKAMAHAL po ang magpaganda. Maraming beauty procedures at produkto na nagkakahalaga ng P20,000 bawat buwan. Ang mga brand name na creams naman ay umaabot sa P3,000-P4,000 bawat bote.

Para sa mga gipit sa budget, may inihanda akong matipid na beauty tips.

1. Umiwas sa araw – Alam n’yo ba ang beauty secret ni Nicole Kidman? Si Nicole ay hindi nagpapaaraw.      Alam kong marami sa ating kabataan ang mahilig mag-beach, pero masisira ang kutis n’yo diyan. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot ng freckles at posi­bleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light.

Umiwas din sa mga sports na laging bilad ka sa araw tulad ng golf at swimming. Tandaan, ang araw ay naka­tatanda. Magtago sa matinding sikat ng araw mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

2. Gumamit ng sunblock – Payo ng dermatologists ang paggamit ng sunblock araw-araw. Hanapin ang may nakasulat na SPF 15 o mas mataas pa. Ang ibig sabihin nito ay kapag 15 minutos ka nakabilad sa araw, parang 1 minuto lang ang exposure mo ng walang sunblock. Hana­pin din yung may proteksyon sa UV-A at UV-B. Bilang dagdag proteksyon, puwedeng mag-payong, mag-sombrero o magtakip ng folder sa mukha.

3. Umiwas sa usok at alikabok – Ito ang malaking problema natin — polusyon. Kapag nag-commute ka mula Pasay hanggang Fairview, naku, parang umitim ka sa usok. Titigas din ang buhok niyo sa alikabok. Sira na ang beauty ni Mader. Kung may budget, mag-aircon bus ka na lang o magtakip ng mukha. Maipapayo ko rin ang paggamit ng face mask para hindi malanghap masyado ang masasamang usok.

4. Iwas sa sigarilyo at alak – Ang paninigarilyo, tulad ng usok, ay nakata­tanda sa ating mukha. Ang alak naman ay nakapagpa­pakulubot din ng balat. Hi­hina ang iyong resistensiya at babagsak ang in­yong katawan.

5. Gumamit ng sabon at tubig – Ayon kay Dra. Fran­cis­ca Roa, dating pre­sidente ng Philippine Dermatological Society, simple lang ang sek­reto ng pagpa­paganda. Mali­go araw-araw. Gumamit ng sabon at maraming tubig pang-banlaw para tiyak na ma­linis ang katawan. Magan-da ang mild soap tulad ng Johnsons at Dove.

Mainam ding maligo bago matulog. Sa ganitong para-an, hindi kakalat ang dumi mula sa buhok papun­ta sa mukha. Ang resulta ay tagi­hawat sa umaga.

Marami pa kaming beau­ty tips para sa inyo.

Abangan sa susunod na Huwebes ang karugtong.

Show comments