^

PSN Opinyon

Security lapses

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MATINDI ang nakawang nangyari sa Greenbelt 5 sa Makati the other day tindahan ng Rolex watch ang tinira ng mga tirador.

Sabi nga, in broad daylight!

Barilang umaatikabo between mga bodyguard ni Mayor Tinga at mga holdaper ng magsalpukan sila sa ground floor.

Nagtataka sina PO1 Cesar Tiglao at PO1 Efren Ceniza dahil Sunday the other day maraming tsibugan sa itaas ng Greenbelt pero halos alaws people silang nakita.

Parang ghost town ang loob ng ground floor ng Greenbelt 5 walang namamasyal at wala din silang guardia sibil na nakita noon mga oras ng tirahin ang Rolex store.

Ika nga, impossible!

Last Sunday P8 million worth ng mga expensive watches ang nakuha pero ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puro Tudor watches ang na-itakbo ng mga masasamang loob.

Sabi nga, walang Rolex.

Siguro dapat pag-aralan mabuti ng pamunuan ng Ayala ang kanilang mga guardia sibil dahil marami ang duda sa nangyari kasi mukhang inside job ito.

Almost two months ng tirahin ng mga gago dyan sa Landmark Quezon City ang isang batang babae na ninakawan ng cell phone ng isang buntis na kawatan bebot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsumbong sa guardia sibil ng Landmark department store ang batang ninakawan ng cell phone kaya lang hindi ito tinulungan ng security guard na pinagsumbungan.

Nagtataka ang parent ng batang bebot kung bakit hindi ni-radyuhan ng gagong guardia sibil na pinagsumbungan ang mga exit gate guards na naka-duty doon.

Kaya hindi nawawala sa isip ng mga kuwago ng ORA MISMO, na inside job ang nangyari.

Balik isyu, siguro dapat bigyan  ng government of the Philippines my Philippines ng gantimpala sina Ceneza at Tiglao dahil sa pinamalas nila sa pagsagupa sa mga bad guys.

Ika nga, spot promotion at bigyan ng cash!

Abangan.

Aircraft violation

SABI ng mga bright na investigator may lulan ng anim na drum ng gasolina ang eroplanong owned by Victoria Air Incorporated ang DC-3 bumagsak sa Las Piñas City last Saturday.

Apat ang namatay todits at may mga nasunog na haybol.

Kaya daw hindi agad naapula ang apoy sa nasabing eroplano ay dahil sa may gasolinang lulan ito.

Sabi nga, umapula ng todo.

Tiyak may nilabag na batas ang owner ng aircraft ng bumagsak kaya mananagot ito sa mga autoridad.

Inaalam naman ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang info kung may katotohanan na itinakas lamang ang nasabing eroplano mula sa hangar nito.

Abangan.

IMIS ng NAPOLCOM

KAMUSTA na kaya ang intel at monitoring network ng Inspection Monitoring and Investigation Service ng National Police Commission regarding sa sinasabing kolektor sa sugalan ng dalawa nilang agent U-2-10.

Si Mel at Eric, agent U-2-10 ng NAPOLCOM na walang ginawa kundi mangolekta sa mga gambling lord from Region 1 to 5.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago ikuento ulit natin ito sa Thursday.’

‘Eric muntik mo na palang magahasa ang isang 53 years old na Koreana ha.’

Abangan.

ABANGAN

CESAR TIGLAO

CHIEF KUWAGO

EFREN CENIZA

IKA

INSPECTION MONITORING AND INVESTIGATION SERVICE

KAYA

ROLEX

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with