NASASAPAWAN ng balita ng bagong bagyong papa-sok sa hilagang Luzon ang sitwasyon ng kinidnap na pari sa Mindanao. Pero nasa masamang sitwasyon ang pari dahil kailangan na kailangan niya ang kanyang mga gamot. Kaya ngayon, may mga negosasyon sa panig ng militar at ng mga kidnapper para mabigay man lang ang mga gamot ng pari, kung hindi naman siya palala-yain pa.
Wala nang mas nakatutuyo ng dugo pa sa ginawa ng mga kidnapper. Kung kelan sunod-sunod ang kalamidad na nagaganap sa bansa, at tila hindi pa tapos dahil sa malakas na bagyong papalapit na naman ng hilagang Luzon, tsaka naman umandar ang kawalanghiyaan ng grupong ito! Paano maiintindihan ang pinaglalaban ng grupong ito, kung ganun na lang lagi ang pamamaraan nila para mapansin? Paano masasabi na handa silang maging maayos na mamamayan pagdating ng panahon?
Kailan lang kinidnap ang tatlong Red Cross volunteers. Mga taong tumulong nang husto sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng. Dalawang taon na ang nakalilipas, si Fr. Bossi naman. May mga namatay at napugutan pa ng ulo na mga sundalo dahil naenkuwentro ang MILFat Sayyaf habang hinahanap si Fr. Bossi! Patong-patong na perwisyo na lang mula sa mga grupong ito!
Kung hindi magagawan ng tunay na solusyon ang paulit-ulit na problemang ito, eh huwag na lang tayong magreklamo kapag nangyayari ang mga ganitong sitwasyon. O kaya, ipagbawal na ang mga dayuhan, maging pari man o boluntaryo, magpunta sa Mindanao para wala na lang makidnap ang mga iyan. Hindi naman nila kinikidnap ang mga sariling tauhan nila. Masakit pakinggan pero mukhang wala na tayong magagawa. Ayaw makisama, di mapakiusapan, ano pala mangyayari riyan?
May hangganan din para sa paghahanap ng solus-yon sa problema. Iba na lang kung may kakayahan ang gobyerno, militar pati na ang mga mamamayan na tiisin na lang ang mga ganitong sitwasyon. Hindi pwedeng isang panig lang ang humahanap ng solusyon. Dapat lahat ng panig. At sa mapayapa at legal na pamamaraan. Kundi, gulo na lang talaga ang laging babagsakan ng rehiyon ng Mindanao!