^

PSN Opinyon

'Sogo bagong hari ng mga motel(?)'

- Tony Calvento -

(ikalawang bahagi)

NAKAUSAP NAMIN SI VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA at mabilis na sinabi niya na paiimbestigahan niya kung ang mga Sogo Hotels sa Quezon City ay nagpa-function na parang mga motels.

“Bawal ang mga motels sa Quezon City. Meron kaming City Ordinance tungkol dito. Kung ang kanilang “stay awhile” rates ay ka­ tumbas ng “wash-up o short-time” rates ito ay malinaw na paglabag sa existing laws dito sa amin sa Quezon City. Patitingnan natin yan at aaksyunan,” pangako nitong si Vice Herbert ng Q.C.

Meron limang (5) Sogo Hotels sa Quezon City. Sa Aurora Blvd., sa EDSA sa Quezon Avenue,  sa Banawe Avenue at sa Trinoma sa EDSA.

DAANG milyon o bilyong piso ang ginastos ng Sogo Hotel sa libu-libo nilang mga kuwarto (10,000 room na ba?) magkano ba ang binayaran ng mga incorpo­rators ng Hari ng mga Motel(?) sa Securities and Exchange Commission (SEC), ha chair Fe Barin?

Ang mga incorporators o may-ari ng Sogo Hotel na nakarehistro sa General Information Sheet na nasa SEC ay sina; Roberto G. Olanday, Edmundo G. Las, John E. Catindig, Higinio C. Fabian at si Arturo G. Brondial.

Magkano naman ang kanilang binayaran sa SEC nung itatag nila ang ga-higanteng korporasyon na ito nung Pebrero 22, 2002?

That the authorized capital stock of the corporation is FOUR MILLION PESOS (P4,000,000.00) in lawful money of the Philippines divided into FORTY THOUSAND (P40,000.00) shares with the per value of one hundred (P100.00) pesos per share.

That at least 25% of the authorized capital stock has been sub­scribed and at least 25% of the total subscription has been paid as follows: Robert B. Olanday 5,760 shares, amount subscribed and paid Php76,000, Edmundo G. Las 2,600 shares, amount subscribed Php 260,000; Arturo Brondial 1,000 shares, amount subscribed and paid Php100,000, John F. Catindig 320 shares, amount subscribed and paid Php 32,000, Higinio C. Fabian 320 shares, amount subscribed and paid Php32,000.

Ito ay pinatotohanan ng kanilang tresurero na si Higinio C. Fabian na kan­yang nilagdaan at pina-notaryo nung 2002.

Susmaryosep! Bilyon ang kapital ng Sogo Hotel dahil kung ilalagay na lang natin sa sampung-libong kwarto meron sila sa lahat ng kanilang branches ang laki ng kapital na inilagak nila.

“Ang isang kwarto ay halos nagkakahalaga ng isang milyong piso. Kasama rito ang mga furnitures, furnishings and fixtures, television sets, refri­gerators, wall papers. Kung susumahin malamang ay bilyon na nga ang ginastos ng mga ito sa kanilang hotel chains,” opinyon ng isang eksperto na kasamang gumawa ng isang sikat na hotel sa Makati City.

Wala bang nilabag ang Sogo Hotel Inc. sa batas dahil ang liit lamang ng kanilang subscribed and paid-up capital sa SEC?

“I hereby certify under oath that at least 25% of the authorized capital stock of the corporation has been subscribed and at least 25% of the subscription has been paid, and received by me in cash property for the benefits and credit of the corporation.”

Pinirmahan at sinumpaan ng kanilang tresurero na si Higinio C. Fabian sa kanyang TREASURER’s AFFIDAVIT.

Tinanong namin ang isang Commissioner ng Department of Trade and Industry (DTI)  kung legal ba ang ganito kaliit na binayaran sa SEC.

“We have to find out from the Department of Tourism kung sila ay accredited at maaring yun ang ginagamit nilang “shield” para hindi kailangang magdeposito ng tamang halaga that is commensurate to the real capital of their business,” paliwanag ng isang  Commissioner ng DTI.

Kinontak naman namin si Undersecretary Oscar Palabyab ng Dept. of Tourism (DOT) at ito naman ang impormasyon na ibinigay sa amin.

“Alam kong may application ang Sogo Hotel dito sa DOT at pagkatapos nating makapag-usap ay pina-check ko sa aming staff at nalaman ko na meron ngang accreditation ang Sogo Hotel, Inc. at ito ay Economy Hotel category,” ayon kay Usec Palabyab.

Economy? Sa kanilang ‘website’ nilalagay nila na ang ‘classification’ nila ay ‘three-star hotel’, paano nangyari yun?

Tungkol naman sa kanilang pag-function bilang isang motel ay nilinaw ni Usec Palabyab, dapat ang mga lokal na opisyal sa kani-kanilang lugar ang merong kapangyarihan dito kung pinapayagan nga nila ang mga motel sa kanilang lugar.

Balik tayo sa Quezon City. Mariing sinabi ni Herbert “Bistek” Bautista na bawal ang mga motel sa Quezon City. Ang daming nag-react sa aming tanggapan na labas-pasok ang mga taong nagtse-check-in para sa kanilang murang “STAY AWHILE RATES” sa Cubao.

Ito ang maliwanag na testamento na magpapatunay na may “short time” nga sa Quezon City. Nasa amin pa ang mga ‘contact numbers’ at pangalan ng mga nagbigay ng impormasyon. 

Kaya namin binabatikos ang Sogo Hotel ay dahil na rin sa reklamo ng isang ginang na si Leila Borromeo na pinarating sa amin ang sumbong. Ang kanyang menor-de-edad na anak umano’y nakapag-check-in ng ilang beses sa Sogo Hotel sa Novaliches. Nabuntis ang anak niya at sinisisi niya ang Sogo Hotel dahil naging pabaya ito sa pagtanggap ng mga ‘costumers’. Halata naman daw na menor-de-edad ang anak niya.

Binanggit ko nung Miyerkules na maari silang mag-operate bilang motel. Ang permi­song ito ay nakapaloob sa kanilang Articles of Incorporation and By- Laws subalit ito ay sa lugar lamang na pinapayagan ang mga motel tulad ng Maynila, Mandaluyong, Pasay at hindi sa Quezon City kung saan mahigpit na ipinagbabawal ito!

Ngayon na nagkalat na ang Sogo Hotel sa Metro Manila at sa ibang ‘key cities’, ang magandang tanong ngayon ay kung saan galing ang bilyong pisong kapital nila? Sino si Code 818?

Siya ay anak umano ng isang malapit na tao kay dating Unang Ginang Imelda Romuldez Marcos, nung mga panahon na namamayagpag ang Martial Law. Ang kanyang mga initials ay “I.J.”, Ignacio ang kanyang ‘first name’. Huwag kayong mainip at isisiwalat ko rin kung sino ito. Darating tayo diyan. Teka, makipag-appointment nga kay Gng. Marcos upang alamin kung may interes sila sa Sogo Hotel. Ang pera ba ay galing sa “Marcos ill-gotten wealth” na kinukwestiyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Good government? Hindi ba ang tagline ng Sogo Hotel ay SO GOOD and SO NICE? May koneksyon kaya ito? Nagbibiro lang. Kakausapin natin si Chair Jose Sabio ng PCGG tungkol dito para mapaimbestigahan.

“Mr. Calvento “front” lamang ang mga incorporators na nakasumite sa SEC. Sa pamilya nila 818 yan at ang nagpapatakbo ay EDLAS! Imbesti­gahan pa ninyo dahil mga estudyante na kung minsan naka-uniporme pa nga ang pinapayagan nilang pumasok. Alam ko yan dahil dati akong nagta­trabaho sa Sogo Hotel,” reaksyon ng isang tumawag sa aming tanggapan.

ABANGAN sa LUNES ang iba pang mga detalye sa seryeng ito. EKSKLUSIBO dito lamang sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON.”

PARA SA ISANG PATAS at balanseng pamamahayag tinatawagan namin ng pansin ang mga may-ari ng Sogo Hotel, Incorporated na magbigay ng kanilang panig ukol sa isyung ito.

SA MGA gustong dumulog sa aming tanggapan, maari kayong tumawag sa 6387285 o mag-text sa 09213263166 o 09198972854. Maari rin kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

 

Email: [email protected]

CITY

HOTEL

KANILANG

QUEZON CITY

SOGO

SOGO HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with