Ang tamang proseso ng pag-iimbestiga!
KUNG ang isang tao ay suspek sa isang krimen, duma-daan sa tinatawag na due process upang mapatunayan ang kaniyang pagkakasala.
Ang isang paslit pa kaya na naituro lamang ng kaniyang kaklaseng kumuha ng mahalagang gamit ng isang guro.
Eto ang dahilan kung bakit nilusob ng BITAG nitong nagdaang Huwebes ang Manuel L. Quezon Elementary School sa Commonwealth Quezon City.
Isang walong taong gulang ang hinatulan ng kaniyang guro na nagnakaw umano ng kaniyang wallet.
Ang siste, hindi ipinatawag ng guro ang magulang ng bata upang kuwestiyunin ito kung talagang ang estudyante nga ang kumuha.
Bagkus, pinilit paaminin sa harap ng ibang guro at sa principal ng paaralan. Sa mismong bibig ng bata lumabas na sinabing pinilit umano siya ng mga guro na sabihin ang totoo at umamin.
Umiiyak na lumapit sa BITAG Live ang lolo ng batang itinago namin sa pangalang “Arnel” umano’y torture na ginawa sa kaniyang apo. Kumbaga, hinatulan na ang kaniyang apo bago pa sila ipatawag na magulang.
Ang masakit pa rito lumabas na sa mata ng mga guro, estudyante, guidance at principal ng nasabing eskuwe-lahan na ang batang si Arnel nga ang kumuha sa wallet.
Ang dahilan raw ng pagnakaw ng bata sa wallet ng guro, pambili raw ng gatas sa nakababata nitong kapatid na lalaki.
Nang makausap ng BITAG si Arnel, hindi raw siya ang kumuha. Hindi niya raw alam kung bakit siya ang itinuturo ng kaniyang seatmate at higit sa lahat, wala rin daw siyang kapatid, lalaki man o babae.
Nang makaharap naman ng BITAG ang nasabing guro, tigas ulo pa itong nangangat wirang may witness daw siya na nakakita kay Arnel at ito’y walang iba kundi ang seat-mate umano ng estudyante.
Kung hindi ba naman baluktot ang utak ni titser, nilitis niya mag-isa ang kaso. Ginawang suspek ang batang si Arnel nang walang nakatayong magulang sa tabi nito dahil ito’y menor-de-edad pa.
At ginawa ring witness ang isa pang batang paslit na kaklase lamang ni Arnel. Usapang legal at moral man, basura ang hakbang na ginawa ng guro.
Madalas ipakita at sabihin ng BITAG na kung ‘yung mga kriminal nga na nahuhulog sa aming patibong ay “nananatiling inosente hangga’t hindi napapatunayan ang kaniyang pagkakasala sa hukuman”.
Sa huli, nasabi na lamang ni titser kay Arnel,“do you miss teacher Arnel? Do you love me? Because teacher loves you so much”…. Di kalakasang paghagulgol at pagyuko na tila nangingilag ang tugon lamang ng bata…
- Latest
- Trending