TAPOS na ang issue ng rescue at nakita na natin ang malaking kakulangan ng gobyerno sa matinding pangangailangan na ito. Sa ngayon, relief operations naman ang kailangan ng mga nasalanta ngunit nakita rin natin na kung hindi pa sa mga pribadong sector at sa mga media organizations, malaki rin sana ang kulang dahil hindi rin handa ang gobyerno na magbigay ng relief sa mga nasalanta.
Ilang taon na rin tayong sinasalanta ng bagyo, kaya dapat naman sana ay sanay at handa na ang gobyerno sa rescue and relief operations. Kung magbigay ng tulong ang gobyerno sana nga ay kumpleto ngunit nakita rin natin na ultimo sa simpleng kailangan na mga portalets, may nakahanda na ang gobyerno ngunit wala naman kaya naging problema tuloy ang health and sanitation sa eva-cuation centers.
Ayon kay Mario Taguiwalo na dating Undersecretary of Health, mahirap asahan ang isang gobyerno na maging tama at tapat sa pagbigay ng rescue and relief, kung ang priority nito ay ang corruption at hindi ang pagtulong sa mga mamamayan. Mabuti na lang, halos tapos na rin ang rescue and relief, ngunit mas malaki naman ngayon ang pera na kailangan sa rehab, pera na maaring wala na rin dahil nakurakot na ng mga corrupt.
Malinaw na walang plano ang gobyerno para sa rescue and relief, ngunit ang malungkot ngayon ay parang nahahalata na rin na wala ring plano ang gobyerno para sa rehab ng mga typhoon victims. Marami ang kailangan sa rehab, ngunit ang nangunguna sa lahat ay ang livelihood ng mga nasalanta. Paano na kaya ang kabuhayan nila?
Bago pa natin sisimulan ang usapan sa kabuhayan, dapat munang isipin ng gobyerno ang housing ng mga nasalanta, lalo na ang mga low income na victims na wala na talagang naiwang pera para sa pagpatayo ng bagong bahay. Pautangin man sila ng gobyerno, papaano naman sila makakabayad kung wala naman silang kabuhayan?
Hindi naman sana problema ang pondo para sa rescue, relief at rehab kung ang focus ng gobyerno ay ang kabutihan ng mga mamamayan at hindi ang pangungurakot ng pera ng bayan. Sana sa darating na halalan, piliin natin ang mga tunay na lingkod bayan na magsisilbi sa ating lahat, at hindi sa kanilang sarili. Piliin natin ang mga opisyal na makamasa at hindi makasarili.