^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Relocation ng mga nasa pampang

-

LAHAT nang mga nangyayari ay mayroong da­hilan kung bakit nangyari iyon. Ang pana­nalasa ni “Ondoy” noong September 26 ay may dahilan para roon sa mga nakatira sa pampang ng ilog, estero, ilalim ng tulay, at iba pang mga tao na nag­tayo ng kanilang barung-barong sa mga mala­lapit sa daluyang ng tubig. Ito na ang magandang pag­kakataon para sa gobyerno na mailipat ang mga ta­ong ito at dalhin sa relocation site. Ito na ang ta­mang panahon para hindi na sila makabalik sa mga pampang o ilalim ng tulay para gumawa ng pani­bagong bahay. Kapag hindi pa umaksiyon ang gob­yerno sa pagkakataong ito, muling mauulit ang baha at tiyak na mas marami ang mamamatay.

Ihanda nang gobyerno ang mga paglilipatan sa mga nabiktima ng baha particular sa Marikina, Cainta, Quezon City at ang mga nasa paligid ng La­guna de Bay. Maraming nawasak na bahay sa Mari­kina at ganoon din sa Cainta kaya imposible nang makabalik pa ang ilan. Wala na silang babalikan o kung may babalikan man, makapal na putik ang kailangang alisin para mahango ang bahay. Inilibing ng putik ang mga bahay sa Marikina particular ang mga nasa tabi ng Tumana River. Ang iba pang mga barung-barong ay inanod kasama ang ilang mga tao na natagpuang patay makaraan ang ilang araw.

Hindi na mahihirapang i-relocate ang mga tao sapagkat wala na silang pagpipilian pa. Tatanggapin na nila ang pinagkakaloob na tirahan ng gobyerno kaysa naman hangarin pang bumalik sa dating lugar na nakalibing sa putik. Hindi na sila makakapili pa sapagkat ang mahalaga ay mayroong matirahan o masilungan para hindi magkasakit ang kanilang mga anak. Hindi na sila makatatanggi sapagkat      ka­ila­­ngan nilang magsimulang muli.

­ Itinuturong dahilan nang grabeng pagbaha ay ang pagdami ng mga tao sa pampang ng mga ilog. Hindi na makadaloy ang tubig sapagkat inagaw na ng mga squatters. Pinalala pa ang pagbaha ng mga itinatapon nilang basura. Hanggang ngayon ang mga basura ay nakatambak pa sa maraming lugar sa Metro Manila. Tinangay ng baha ang mga basu­rang itinapon at ito ang nagpalubha sa baha na hanggang ngayon ay ayaw bumaba.

Samantalahin ng gobyerno na nasa evacuation centers ang mga nabiktima. Sa mga relocations site na sila dalhin at hindi sa mga pampang na daanan ng tubig. Iligtas sila sa kamatayan.

CAINTA

HANGGANG

IHANDA

METRO MANILA

QUEZON CITY

SHY

TUMANA RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with