May mga boses na bumubulong sa ating tenga. Isang nagtuturo ng mabuti o isang naman nagtutulak sa atin sa bangin ng kapahamakan. Matapos ang lahat nasa atin ang pagpili kung ano ang ating pakikinggan at susundin. Bibigay ka ba sa masarap at madali ngunit mali? O maninindigan ka sa mahirap pero tama?
Lumapit sa aming tanggapan si George Pahimolin, 40 taong gulang at ang anak niyang si “Kathy”, (di tunay na pangalan) 17 taong gulang ng Bayan Bayanan, San Pedro, Laguna.
Nagtatrabaho sa Taiphil bilang isang drayber si George habang mananahi naman ang kanyang asawa na si Marissa Pahimolin.
Papa’s girl si Kathy. Maliban sa bunso, siya lang ang anak na babae ng mag-asawang Pahimolin. Tuwing hapon, sa tindahan ng kumpare ni George na si Wilfredo “Jun” Madamay, 41 taong gulang, naghihintay si Kathy sa pagdating ng kanyang ama.
Si George at Jun ay malapit na magkaibagan. Nobyembre 2006, magkasama sila sa Philippine Guardian Brotherhood Incorporated (PGBI). Isa sa mga layunin ng Guardian ay tingnan ang kapakanan ng mga kasama nilang miyembro at pati na rin ang kanilang pamilya sa organisasyong ito.
Ika- 12 ng Nobyembre, 2008 isang insidente ang susubok sa katatagan ng samahan ng magkaibigang George at Jun. Hindi dumating ang karelyebo ni George noong araw na iyon kaya kinailangan niyang mag ‘overtime’.
Hinintay ni Kathy ang kanyang ama sa tindahan at naabutan niyang umiinom mag-isa si Jun. Nang makita niya si Kathy agad na naglabas ito ng isang baso at tinagayan ang dalaga. Pinilit umano siyang uminom ng matador brandy.
“Sinabi niya sa akin na malapit lang naman ang bahay namin at baka matagalan ang aking paghihintay kaya’t uminom muna ako habang wala pa si papa.” wika ni Kathy.
Matapos niyang maubos ang alak sa baso, tinagayan siyang muli nito. Napansin ito ni Jun kaya’t nilabas niya ang motor.
Umangkas si Kathy, pinasuot sa kanya ang helmet at sinabing, “Sumama ka sa akin at may pupuntahan tayo.”
Dinala siya sa Old National Highway, San Pedro, Laguna sa gilid ng gasolinahan at doon tuluy-tuloy siyang pinasok sa loob. Nakita niyang may isang lalaking nag-abot ng susi.
Natuklasan niya na ito pala ay ang Star Flower Motel. Kinaladkad na ni Jun si Kathy sa kwarto, tinulak sa kama at sinabing “maghubad ka na!” sabay patay ng ilaw.
Natakot si Kathy at nagkahilahan sila ng damit, nanghina siya dahil sa sobrang hilo ay natanggalan siya ng saplot ni Jun.
Tumambad sa kanya ang murang katawan ng 17 anyos na babae.
Pinatay-sindi ni Kathy ang katabing ‘switch’ ng ilaw para may makapansin. Kumatok ang boy ng motel at tinatanong kung ano ang nangyayari. Pasigaw pa lang si Kathy para humingi ng tulong pero tinakpan ni Jun ang kanyang bibig.
“Hinalikan niya ang aking leeg pababa sa aking dibdib, pwersahan niyang binuka ang hita ko. Pinasok niya ang kanyang ari. Hindi ako makagalaw hangga’t naramdaman ko na lang na bumagsak ang kanyang katawan sa ibabaw ko..” kwento ni Kathy.
Lumipas pa ang ilang sandali bago siya umalis sa pagkakapatong kay Kathy. Inutusan niya itong magbihis agad at sinabing babalik sila sa tindahan. Pero hindi pumayag si Kathy.
Umiwas si Jun sa malaking iskandalo kaya inihatid niya ito malapit sa kanilang bahay. Ibinaba niya ito sa Calendola at bago iwan sinabi niyang: Huwag kang, magsusumbong sa tatay mo kung hindi papatayin ko kayong lahat!”
Alas-11:00 ng gabi ng makasakay ng jeep si Kathy pauwi. Pagkababa niya’y nakasalubong nito ang kanyang magulang habang nagtatanong sa mga kapit-bahay.
Masayahin at palabirong bata si Kathy kaya’t nahalata agad ni George na may kakaiba sa kanya. Tinanong niya kung saan galing ang kanyang anak at anong nangyari.
Hindi sumagot si Kathy at umiyak lang ito.
Uminit ang ulo ni George dahil ayaw magsalita ni Kathy, Lumabas siya para magpalamig, dito na niya napansin na paparating si Jun. Nagtaka si George kung bakit halos magkasunuran lang umuwi ang anak niya at ang kanyang kumpare kaya’t napaisip siya.
Pupuntahan sana ni George si Jun ngunit mabilis itong pumasok ng bahay. Pabalik na siya ng sinalubong ni Allan, ex-boyfriend ni Kathy.
“Kuya George nakita ko kanina si Kuya Jun at Kathy na magkasama… hinawakan siya at pilit na pinapainom ng alak sa tindahan,” sumbong ni Allan.
Dito na naghinala si George, pumasok siya sa sala at patuloy pa din ang paghagulgol ni Kathy. “Magsabi ka ng totoo! Saan ka nagpunta? tanong ni George.
Nanginginig na umamin si Kathy na dinala siya sa motel ni Jun. Nanlambot si George, napasandal siya sa pader gusto man niyang sugurin ito’y naisip niyang idaan sa legal na proseso ang lahat. Dinala niya sa police station sa bayan ng San Pedro si Kathy.
Alas-12:00 ng madaling-araw, kinuhanan siya ng salaysay sa Police Station sa Pacita. Pinapunta sila sa Camp Vicente Lim upang maisagawa ang Medico Legal Examination.
Ayon sa lumabas na medico legal findings ‘deep healed laceration at 3 o’clock and 9 o’clock positions and shallow Fresh Lacerations at 5 o’clock’.
Ika-13 ng Nobyembre 2008 dinampot si Jun. Sinampahan siya ng kasong ‘rape’ pero dahil sa mga kaganapan na bumabalot sa kasong ito mas angkop ang kasong Qualified Seduction in Relation to Republic Act 7610 sa halip na kasong rape.
Matapos ang isang preliminary investigation naglabas ng resolusyon si Christoper Serrano na nagsasabing: ‘wherefore upon the foregoing finding probable cause against respondent Wilfredo Madamay Hapas Jr. It is respectfully recommended that the herein attached information for SEDUCTION OF MINOR in relation to Republic Act 7610 be approved and filed in court.’
Subalit ang hukom sa kasong ito na si Judge Francisco Dizon Paño ay naglabas ng warrant of arrest na kung saan pinapayagang makapaglagak ng piyansa itong si Jun sa halagang P80,000.
Ngayon ang tanging dapat gawin ay hintayin ang petsang itinakda para sa hearing ng kasong ito sa korte at kapag hindi sumipot si Jun lalabasan siyang muli ng warrant of arrest ni Judge Paño at kakasenlahin ang kanyang pansamantalang pagkalaya.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kakaibang pakikisama ang ipinakita ni George dito kay Jun. Hindi niya akalain na sa likod na madaming taon nilang pagsasama sa ‘guardian at inaanak niya ang anak nito, hindi niya akalain na magagawa pa niyang lapastanganin ang anak nito.
Maaring kusang loob na sumama sa’yo si Kathy subalit malinaw ang nakasulat sa papel ng taga-usig kaya mo na-kama itong si Kathy dahil ito’y nilinlang mo, nilasing, biglang iniliko at pinasok sa loob ng motel at dahil ito’y isang ‘menor de edad’ (17 taong gulang) may pagkakasala ka sa batas
Marami kang dapat ipaliwanag sa hukuman pagdating ng iyong paglilitis.
(KINALAP NI AICEL BONCAY)
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 maari din kayong tumawag 6387285. Maari din kayo magpunta sa aming tanggapan 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Para sa mga sumusubaybay sa kasunod na artikulo tungkol sa Nice Hotel, nangako silang magpapadala ng kanilang sagot ukol sa mga isyung naglabasan at nailathala sa Calvento Files sa PSNGAYON. Antabayanan, eksklusibo dito lang sa Calvento Files.
* * *
Email address: tocal13@yahoo.com