^

PSN Opinyon

Lacson: 'Imbentor ng istorya'

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAGING pulis, senador at pumalpak sa ambisyong ma­ging presidente ng bansa, tila may “career shift” o nag-aaral ng bagong propesyon ngayon si Senador Panfilo Lacson – ito ay ang paglulubid ng kasinungalingan at pag-iimbento ng istorya.

Ito ang napag-usapan namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

May ilang nagsasabing medyo maganda sana ang nilikhang “fiction stories” ni Lacson sa inilahad niyang privilege speeches, ang kaso lang, maraming butas ang mga kuwento niya.

Una, sinabi niyang may nakuha siyang sensitibong usapan sa telepono. Lumalabas na gumamit siya ng iligal na “wiretapping” kung totoo mang may naganap na gano­ong phone conversation. Kung babawiin niya ang paha­yag na ito kapag naipit siya sa kasong paglabag sa Anti-Wiretapping Law ay mapipilitan naman siyang aminin na inimbento lang niya yung kuwento.

Sa pahiwatig din niyang sangkot si Jinggoy sa jueteng ay pinalalabas naman niya na siya ay mas nag-aral, nagsaliksik, mas matalino at mas may alam kaysa sa hukuman na nag-abswelto kay Jinggoy sa kaso,

Sinasabi rin ni Lacson na oposisyon siya, pero ipinag­mamalaki naman niya na karamihan sa kanyang datos kuno ay kinuha niya sa mga kaibigan daw sa Malacañang.

Ayon din kay Lacson, dinukot si Edgar Bentain sa Roxas Blvd at pinatay sa Laguna, gayung hanggang nga­yon, wala pang “official findings” kung saan at ano ba ang nangyari kay Bentain. Nagkabuhul-buhol din ang  mga pag-iwas ni Lacson sa detalyadong pagsasangkot sa kanya ni dating police colonel Cesar Mancao sa Dacer-Corbito murder case.

Patong-patong ang nakita ng taumbayan na kapal­pakan sa mga inimbentong istorya ni Lacson.

ANTI-WIRETAPPING LAW

CESAR MANCAO

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EDGAR BENTAIN

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

LABOR AND EMPLOYMENT

LACSON

ROXAS BLVD

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with